Ito pa ang ilan sa Tips kung paano malulunasan ang iyong sleep problem at iba pang dahilan kung bakit nangyayari ang iyong hirap sa pagtulog sa gabi.
Tips On Sleep Problem |
- Maingay at hindi komportableng paligid. Ang maingay at hindi komportableng kapaligiran ay nagbubunsod sa pagkagising sa kalagitnaan ng tulog at gabi. Maliban dito, ilan pa sa dahilan ng hindi maayos na pahinga ay ang maliwanag na ilaw sa loob ng silid o ang pang-iistorbo ng mga alagang hayop, maging na rin ng mga eletronics sa loob ng kuwarto na nagdudulot ng tinatawag na electromagnetic fields na humahadlang sa melatonin levels habang nagpapahinga. Mainam kung mapapanatili ang madilim at tahimik na silid para sa masarap at payapang tulog.
- Hindi tamang posisyon sa pagtulog. Ang pagtulog sa maling posisyon para sa spine ay maaaring magbunsod sa pagkasakit ng likod at leeg, maging ng pamamanhid ng mga braso at daliri. Ang lahat ng mga suliraning ito ay nagbubunsod sa hindi maayos na tulog sa gabi. Ang pinakamahusay na posisyon para sa spine ng isang tao ay ang paglapat ng likod sa higaan at walang anumang unan, kung meron man ay mababa lang upang maiwasang maitulak ang ulo mula sa leeg sa posisyong masasaktan ito na maaari ring magbunsod sa pananakit ng ulo at leeg. Pinakamaling posisyon sa pagtulog ay ang pagdapa.
- Suliranin ng circadian rhythm cycle. Ang pineal gland ng isang tao "internal clock" ( circadian rhythm cycle) na kumokontrol sa katawan kapag bumabangon sa umaga ay siya ring nagte-turn off nito sa gabi. Nagbibigay ito ng impormasyon mula sa kapaligiran tulad ng liwanag at temperatura sa signal na naipadadala sa ilang bahagi ng utak at katawan. Gayunman, ang circadian rhythm cycle ay maaaring makontra ng stress, paglipad mula sa ibang lugar na may ibang oras at pagpapalit ng oras ng trabaho. Mainam kung pananatilihin ang pagtulog sa magkakaparehong oras sa gabi at pag-iwas sa labis na pagpupuyat. source: Bulgar-No Problem ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment