Umiinom ka ba ng green tea tuwing umaga? Kung hindi pa, subukan mo na ito. Ito ang isa sa apat na tsaa na tunay nga namang may hatid na magandang benepisyo sa ating kalusugan. Hindi lang ito nagsisilbing antioxidant na panlaban sa cancer o tulong para ikaw ay makapagbawas ng timbang. Ang green tea ay may hatid na benepisyo na hindi mo dapat maliitin. Ayon sa pag-aaral, ito rin ay mabisa upang alisin ang mga lason sa ating katawan.
Ayon sa isang artikulo ng Times India, ang pagkonsumo rin ng
green tea ay nakatutulong sa ating makaiwas sa pagkasira ng ating ngipin o
tooth decay. Sapagkat ang nilalaman nitong antibacterial ay nakalalaban sa
dental plaque. Hindi ito alam ng marami sa atin.
Ang antibacterial content ay nakatutulong bawasan ang toxins
sa ating katawan at bakterya na mula sa ating mga kinakain.
Kung stress ka na,
ang green tea ay makatutulong para ikaw ay kumalma. Ang content na
mayroon sa green tea ay nakababawas ng inflammation sa ating kasukasuan na nag
reresulta ng muscle tension.
Isaalang-alang din naman ang tamang pagkonsumo ng green tea.
Rekomendado ang tatlong tasa ng green tea sa isang araw. Anumang sosobra rito
ay maaaring magdulot sa iyo ng palpitation. Ito ay kondisyon kung saan nagiging
iregular ang pagpintig ng puso dahil sa caffeine na mayroon ang tsaa.
Para sa higit na benepisyo, huwag subukan ang green tea na
nakalagay sa lata sapagkat mayroon na itong labis na sugar content na maaaring
magdulot ng pagtaas sa iyong calorie intake. Mas maigi iyong tradisyonal na
paghahanda ng green tea.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment