Ikaw ba ay mahilig sa pag-inom ng diet soda sa pag-aakalang makatutulong ito sa iyong pagda-diet? Alam ninyo bang walang nutrisyon na makukuha mula rito.
Ang mga manufacturer ng diet soda ay naglabas ng mga label
na “low sugar” o “zero sugar” sa kanilang mga soda para daw sa kalusugan at
mag-enganyo sa tao na magpatuloy na uminom ng diet soda. Pero ayon sa report ng
Fit Sugar, kahit pa ang lakip ng mga ito ay sugar-free ay nagdudulot pa rin ito
ng panganib sa ating kalusugan. May masamang epekto pa rin ito sa katawan ng
tao.
Base sa pagsasaliksik, ang pagkonsumo ng diet soda ay
nagpapataas ng tsansa na magkaroon ang isang tao ng heart attack at stroke ng
44 poryento.
Ang laman na artificial sweetener ng mga diet soda bagamat
wala itong calories ay dahilan pa rin kung bakit gutom ka pa rin at ito ay
mag-reresulta lamang sa labis na pagkain at syempre ito ang magiging dahilan ng
labis mong pagtaba. Bagamat sinasabing ang artificial sweetener ay hindi
mapanganib kapag hindi labis ang pagkonsumo nito, pero tulad ng aspartame na
isang artificial sweetener ay dahilan ng sakit sa ulo at migraine. May mga
artificial sweetener naman tulad ng acesulfame K ay nagdudulot ng nausea at
malaki ang tsansa mo na magka-cancer.
Kung ikaw ay nag-didiyeta at isinasama ang diet soda sa
iyong listahan ay maaari kang magka-diabetes.
Ang laman naman nitong caffeine ay magdudulot lamang sa iyo
ng pagka-tensyon, pagtaas ng blood pressure, resulta ng problema sa pagtulog,
at pwede ring magresulta sa osteoporosis. Bukod pa riyan, dulot din nito’y
dehydration kaya kaysa sa diet soda mainam na subukan mo na lang uminom ng
mineral water, seltzer o anumang tsaa na walang calorie.
Matapos mong mabasa ang mga panganib na dulot ng diet soda?
Magiging paborito mo pa rin kaya ito?
Source: medicmagic dot net
Comments
Post a Comment