Isa sa pinakamahirap iwasan na bisyo ng mga Pilipino ang paninigarilyo. Alam ninyo bang sampung Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa sakit na dulot nito habang may 500 bilyong piso naman ang nawawala taun-taon para sa healthcare costs at productivity losses, ito ay ayon sa mga anti-tobacco group.
mula sa google image |
Heto ang ilan sa mga kemikal na matatagpuan sa sigarilyo.
Nikotina- ito ang droga na inihahalo sa sigarilyo para maadik ka pa dahil kapag adik ka, bili ka nang bili at matutuwa ang manufacturer. Ang toxic compound na ito ay ginagawang pesticides kaya humihithit ka ng pestisidyo. Ang tanging kaibahan ay binubura nito ang iyong malusog na baga.
Tar- ito ang substansya na pinagdidilaw ang ngipin, baga at mga daliri. Kaya huwag kang magulat kung makikita ang sarili na pumapangit dahil ang kemikal ang magpapanilaw sa iyo.
Naptalina- isa pang kemikal na ginagamit din sa paggawa ng mothball. Kailangan ba ng katawan mo ang naptalina?
DDT- Matatagpuan din sa insecticides kaya para kang humihithit ng insecticides.
Hydrogen Cyanide- Kung naririnig mo na ang tungkol sa gas chamber at kung anong kemikal ang ginagamit sa pagpatay ng tao, ito ang eksaktong bagay na matatagpuan sa sigarilyo at dahilan kung bakit ang sigarilyo ay mapanganib.
Methanol- ito ang ginagamit para sa rocket ito ang dahilan kung bakit hindi ka mapakali at agitated.
Ang lahat ng ito ay pawang mga ilang rason kung bakit mapanganib ang paninigarilyo dahil sa mga kemikal na matatagpuan dito.
Mga katoto, habang maaga pa ay iwasan na ang paninigarilyo kung nais mo pa na makasama ng matagal ang iyong mga mahal sa buhay, isipin mong nakakasama rin sa kanila ang makalanghap ng usok ng sigarilyo. Kung mahal mo sila at ang sarili mo, alagaan mo ang iyong kalusugan pagkat iyan ang kayamanang dapat mong pag-ingatan higit sa anupaman.
Ang karamihan sa mga detalyeng naisulat sa artikulo na ito ay mula sa pahayagang Bulgar
Comments
Post a Comment