Hindi ka ba mahilig sa pagkain ng prutas, gulay at grains? Mag-ingat ka sapagkat ang kakulangan sa fiber ay maaaring magtaas ng panganib sa iyo na magkaroon ng sakit sa puso,kanser atbp.
Ito ang mga senyales na kulang ang iyong katawan sa fiber:
Nakararanas ka ng pagtitibi o constipation. Ang sakit na ito
ay nakukuha kapag kulang ka sa ehersisyo at pati na rin sa mga uri ng gamot na
iyong iniinom. Pwede mo itong maiwasan sa pamamagitan ng pagtataas sa pagkonsumo
ng mga pagkaing mayaman safiber tulad ng mansanas, carrots, broccolli at
grains. Huwag mong kalimutang uminom ng maraming tubig at mag-ehersisyo ng
regular.
Sa iyong timbang, ang fiber ay pwedeng makapagpabusog sa iyo
sa paraang komportable pa rin ang iyong pakiramdam. Kung hindi ganito ang
pakiramdam mo, maiging kumonsumo ng fiber na may daming 25-35 grams kada araw.
Mayroong pabagu-bagong kondisyon sa iyong blood sugar level.
Kung ikaw ay dumaranas ng diabetes mellitus at hirap kang i-kontrol ang iyong
blood sugar level ay magkonsulta ka sa iyong doktor. May posibilidad na kulang
ka sa fiber. Subukan mong magdagdag ng sariwang pagkain na mayaman sa fiber sa
iyong dyeta.
Nakararanas ka ng nausea na may kinalaman sa iyong
pagdye-dyeta. Ang calorie consumption, kung saan ito ay makukuha natin sa mga
pagkaing mayaman sa protina o mababa ang carbohydrates, hindi lang pinapataas
nito ang kolesterol, kundi ito rin ay magdudulot sa iyong katawan ng
panghihina, nausea, at fatigue. Kung kaya’t kinakailangan mong dagdagan ang
pagkonsumo ng fiber at bawasan ang
pagkonsumo ng mga fatty foods.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment