Sa dalawampu't anim na taon ko sa mundong ibabaw...napansin kong kay dami nang nagbago sa aking paligid, maging sa aking mga nakasasalamuha at siyempre pa maging sa aking sarili.
Ewan ko nga ba't nang minsang mautusan ako ni mama na bumili ng cake sa Goldilocks para sa birthday celebration ni insan at mapansin kong bago na ang packaging nito at ang ambiance ng store eh siya namang pag flashback ng mga nakaraan sa buhay ko at ang mga pagbabagong napansin ko.
NOON
Ang mama at papa, lagi silang nagtatalo. Marami kasi silang pagkakaiba at maraming hindi napagkakasunduan. Madalas makita ko silang nag-aaway nung bata pa ako at makitang umiiyak si mama.
NGAYON
Tingnan mo wacky pa ang posing nila sa pictures na ito. Tinalbugan pa ang mga daga sa ka-sweetan.
Ang pag-ibig nga naman, parang Goldilocks, hahanap-hanapin mo pa rin ang linamnam at tamis na dulot nito. You're the no.1 talaga.
from google image for illustration purposes only |
Ang kapatid ko mahilig mag cutting class para lang mag lan games. Madalas umiyak si mama at nagmamakaawa sa mga teacher para makapasa siya at maka-graduate ng highschool. Sorry bro (hwag mo sanang mabasa ito...lol!)
NGAYON
Aba't heto siya, nakatoga na't tapos na ng 2 years sa kursong Multimedia sa isang kilalang I.T school dito sa pinas. ( 'Tol bumawi ako ah)
Nakatulong talaga sa kanya ang palagi kong bitbit na Goldilocks pasalubong sa tuwing mataas ang grado niya. Curious ka kung ano-ano ang mga ito na nagmotivate sa kanya para tumino sa pag-aaaral? Heto may Goldilocks bitbit din si Ma'am Kris, watch this tvc.
NOON
Ang bunso kong kapatid, cartoons at playstation lang ang alam. Ni hindi mo mayakag kumain hangga't hindi niya pa natatalo ang kalaro.
NGAYON
Aba't marunong nang manligaw at mag-facebook...Huli ba ni Kuya?
Pero ayos lang, mukhang inspired naman si bunso, at inuwian pa ako ng paborito kong Goldilocks Special Polvoron. Mataas din ang grade niya sa school. Inspired nga talaga.
searched from Google Image for illustration purposes only |
ito yung pinabili sa aking Cake tatak Goldilocks yan :) |
I can't wait my cousin to blow the candle and let me eat the Goldilocks Cake |
Ako Kaya? Anong Nagbago Sa Akin?
NOON
Isa lang akong hamak na professional bum...sosyal ba itong trabaho na ito? hihi...hindi po, sa tagalog slang dakilang tambay. I admit, I really don't have the guts to apply for a job before, ang dami kong insecurities...physically and emotionally, mahina ako, yun ang pakiramdam ko sa aking sarili. Dumating sa puntong sabi ko "I am really worthless and hopeless" dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral,mahina ang ulo, mahirap lang...talunan.
Natakot ako sa pagbabago. Hanggang isang araw nagkaroon kami ng special get together ng mga barkada kong hindi ko nakita for almost 5 years and we had this salo salo in Goldilocks Food Shop Bacoor.
Nakita ko ang sarili ko na napag-iwanan na. Alam mo ba 'yung pakiramdam na hindi pa man ako sumisikat eh laos na. Akala ko kasi madadaan ko sa japorms ang lahat. Pero nang malaman kong lahat sila ay may maganda nang katayuan sa buhay. Para ba akong naalimpungatan. Nagising ba? Para bang may higanteng humiyaw sa tenga ko na "Oy! Magbago ka na kasi!"
My barkada are true friends talaga, hindi nila ako iniwan, they became frank to me that day I need to accept na kailangan kong magbago para matulungan ko ang sarili ko. And they succeeded. I accepted their opinions whole heartedly.
isa sa mga tumulong sa akin na harapin ang pagbabago |
Goldilocks Food Shop
well known for Lutong Swak sa Panlasa ng Pinoy
NGAYON
Nagpapasalamat ako dahil nabigyan ako ng magagandang oportunidad sa buhay para mabago ang noo'y dating dakilang tambay. Sabi ko noon, kaya ko kahit undergraduate ako. At nakaya ko nga.
Ito nakapagtrabaho ako sa 91.1 Hot Fm, isang local radio station sa Cavite. My job here helped to improved my personality. Bilang creative assistant and host , nabuksan ang isip ko na aba! may talent pala akong magpasaya at kumausap ng iba't ibang klase ng tao. Social intelligence baga.
ang kulit ng mukha ko rito...Dj Cocomao...that's me |
Dati takot akong mag-english. Pero ngayon, confident na. Heto nga't limang taon din akong nagtrabaho sa mga pinakasikat sa larangan ng BPO industries.
breaktime po yan ah..hind petics mode! lol! |
ang hirap naman tapatan nito... good luck dre sa entry mo...
ReplyDeletesa lahat ng nabasa kung reviews about goldilocks parang itong reviews ang mananalo...goodluck sana manalo ka.
ReplyDelete@molestedtwineggs and nacky
ReplyDeletesalamat po sa appreciation. goodluck po sa ating lahat.
oo magreply ung nuffnang pag natanggap nila ang entry mo...after 3 days magreply cla.
ReplyDeleteAyos tol creative ang entry mo! Good luck!
ReplyDelete@coolbuster
ReplyDeletesalamat sa pagbisita...nakakakaba pala sumali sa contest at the same time, nakaka excite...sobra
Super cute at maganda ang post mo. Di matatapatan. Here's my entry kahit di maxado maganda. hehehe!
ReplyDeletePagbabago
hi rox, salamat sa pagbisita at pagbasa...nabasa ko rin yung iyo, simple but rock talaga =)
ReplyDeleteYour welcome... hehe thanks din sa visit. yon lang, simple lang talaga yong entry ko. hehehe!
ReplyDeleteNaku, career ang entry :) God Bless!
ReplyDelete@ lique
ReplyDeletesa ngalan ng iPad...lol ;)
HI Katoto!
ReplyDeletenapaka-inspirational naman nitong entry mo. ang galing ng journey mo patungo sa iyong tagumpay. and yes mahalaga na may nagmo-motivate sa iyo para magbago pero ang pinakamatindi sa lahat ay young though na ang pagbabago ay dapat nanggagaling sa iyo. walang ibang tutulong sa sarili natin kundi tayo rin.
mabuhay and good luck sa Goldilocks!
(Thanks din pala sa pagbisita sa Hoshilandia.com!)
@ hitokirihoshi_kawaii
ReplyDeletemaraming salamat sa iyong magandang komento, nawa'y magbigay inspirasyon pa ang post na ito sa iba pa nating katoto
Wow nakakainspire naman to kuya!! Goodluck po sa NN contest! :D
ReplyDeletegaling ng entry mo. gusto ko sana mag.post para manalo pro d ako makakatatapat nito.
ReplyDelete@ meg
ReplyDeletenawa'y magbigay inspirasyon pa ito sa iba pa nating katoto
@ jomar
maraming salamat,sana ay makasali ka rin at tayo'y magkita kita sa araw nang pagbibigay parangal.
=)