Skip to main content

Riot: Paraan Para Makaligtas Sa Mga Nagbabarilan O Nag-aamok



Hindi pa man ako nakararanas na maipit sa gulo tulad ng barilan o pag-aamok, ay maigi nang maging handa ako sa mga insidente gaya nito upang ako ay maligtas. Kaya naman, nais ko ring ibahagi sa iyo ang aking mga natutunan sa araw na ito kung paano ka hindi madadamay sa mga ganitong uri ng pangyayari. Tandaan, kahit hindi man natin gustong mangyari sa ating buhay ang mga ganitong uri ng insidente, mas maigi nang maging handa.  Ito ang mga tips ko sa'yo upang makaligtas sa mga nagbabarilan o nag-aamok:



1. Maging pamilyar ka sa iyong kapaligiran. Sanayin mo ang sarili na alamin kung saan ang pinakamalapit na labasan sa lahat ng oras. Alamin ang mga lokasyon na pwede mong pagtaguan tulad ng kung ikaw ay nasa isang eskwelahan,opisina o gusali.

2. Bago ka tumawag sa emergency hotlines gaya ng 117, hanapin mo muna ang mga paraan kung paano ka maliligtas, maging alisto lalo na't kung ikaw ay nasa panganib na ng barilan.

3. Kung wala nang paraan pa para maghanap ng pagtataguan, tumakas ka na agad bago ka pa mahagilap ng mga kriminal. Maiging iwan na ang mga bitbit o gamit na magiging hadlang sa iyong pagtakas. Tandaan, mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa mga ito.

4. Kung ikaw ay nasa loob ng isang kwarto, siguraduhing ikandado mo ito. Piliting huwag ka nang gumawa ng ingay pa upang hindi ka matunton ng mga suspek. Kung sa lugar na iyong pinagtataguan ay may mga bintana na pwedeng maging daan upang makatawag ka ng tulong ay subukan mong lumabas roon.

5. I-silent mode ang iyong cellphone na hawak habang ikaw ay nasa lugar na pinagtataguan. Subukang tumawag sa mga pwedeng hingan ng tulong nang hindi ka maririnig ng kahit na sino lalo na ng mga nag-aamok ng gulo.

6. Gumamit ng mga sandatang improvised o kung may mga nakita kang pwedeng ibato ay hawakan mo na ito. Magagamit mo ang mga iyan kung sakaling natuntun ka ng mga kriminal.

7. Gumawa ng agresibong aksyon kapag wala nang huling pagkakataon para mailigtas ang sarili. Maging maingay na,matapang at magalaw sa pag-atake mo sa kalaban. Batuhin o hampasin siya ng mga bagay na matitigas. Dahil kung sadyang malakas ang iyong loob na labanan sila ay bigyan mo nang pagkakataon ang iyong sarili na sirain ang kanilang diskarte para ikaw ay makaligtas.

8. Huwag mong hayaan ang sarili na makita ka ng mga pulis na may hawak na sandata dahil baka mapagkamalan kang kasabwat ka ng mga terorista.

Ang mga tips na ito katoto ay huwag mong ipagsawalang bahala dahil tiyak na magagamit mo ito sa panahong hindi mo alam kung kelan ito mangyayari sa iyo. Ibahagi ang tips na ito sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagtweet at paglike ng post na ito.  Gamitin ang mga button na makikita sa itaas o ibabang bahagi ng blog na ito.

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...