Ang kasal ay isang selebrasyon ng pag-iisang dibdib ng dalawang tao at pinakamasayang sandali ito para sa couple, sa kanilang pamilya at mga kaibigan. Kung minsan, ang kasalan ay kailangang gawing madalian o mabilisan na kailangan ng maraming plano sa maigsing panahon. Heto ang ilang Tips kung paano planuhin ang kasalan.
Simple Wedding Tips |
- Simulan nang maghanap ng wedding dress. Maghanap online, sa Divisoria, o paboritong boutique. Kung nais magkaroon ng madaliang pagpapakasal, wala nang oras dahil gahol ka na sa panahon. Kung wala kang makitang wedding dress na mabibili, umarkila na lamang. Hindi kailangang mahaba ang laylayan basta maganda at putimputi ito at bagay na sa'yo.
- Agad magpareserba ng lokasyon para sa wedding at reception. Tawagan ang community center. Simbahan o hotel para magpareserba ng silid para sa inyong kasal at reception. Kung ikakasal kapag holiday, mahirap humanap ng bakanteng lokasyon. Kung ito ang kaso, tingnan kung ang pamilya o close friend ay handang ipagamit ang kanilang bahay bilang wedding at reception area.
- Lumikha ng guest list. Imbitahin lang ang mga tao na komportable sa lokasyon ng kasal at reception. Kung ang kasal ay idaraos sa bahay ng kapamilya, huwag nang mang-imbita ng 500 katao maliban kung mansiyon o malawak ang lugar.
- Magpadala agad ng imbitasyon pagkatapos ng guest list. Tiyaking makulay ang card envelopes. Huwag nang mag-aksaya ng oras. gagahulin ka, nagmamadali ka na. Kung pwede ay hingin ang tulong ng mga kaibigan.
- Umorder ng cake. Alamin ang tema ng wedding. Kung ayaw gumastos ng malaki, magpagawa ka na lang sa kaanak o kakilala na puwedeng mabayaran ng maliit na halaga.
- Pag-aralan na rin ang menu. Pagpasyahan kung pwedeng apat na putahe at appetizer at cake na lang.
Maaari mo ring basahin ang Pagdiriwang ng 25th Wedding Anniversary
source: Bulgar Tabloid
Comments
Post a Comment