Isang magandang craft project para sa mga kabataan na estudyante ang paggawa ng button pin. Maganda rin itong pang-regalo sa tuwing may okasyon tulad ng kasal, birthday o debut. Patok na patok namang ipamahagi ito sa mga botante sa tuwing sasapit ang eleksyon. Kaya’t kung nais mong magsimula ng isang maliit na negosyo ay subukan ang pagbebenta ng button pin.
Sino-sino ang mga potensyal na bibili ng button pin?
Mabili ito sa mga taong mahilig sa seasonal at holiday
crafts.
Madalas naman ang paggamit nito sa mga paaralan kaya’t
magiging mabenta ito sa mga guro, administrator , pta members at syempre pa mga
estudyante.
Maganda ring ideya ito para makakalap ng pondo. Kaya’t
madalas maibenta ito sa mga organisasyon na nagsasagawa ng mga fund rasing.
Kapag may okasyon lalo na sa mga simbahan o youth
organization, madalas mangailangan ng button pin.
Lalo pang mabili ang button pin sa mga negosyong nais
magpakilala ng bagong produkto.
Instant boss ka sa button pin making business. Ang paggawa
nito ay hindi lang hobby kundi puwede ring maging patok mong negosyo.
Malaki ang market potential ng paggawa ng button pin, hindi
lang tuwing eleksyon mabili kundi mabenta rin ito sa mga graphic artist at mga
kabataang kinokolekta ang mga ganito bilang palamuti sa kanilang bag o iba pa
nilang accessories. Mura rin itong pang-regalo sa mga okasyon.
Bukod sa marami kang puwedeng pagbentahan ng button pin.
Napakaliit lamang ng puhunan para ka makapagsimula. Hindi mo kinakailangan ng commercial
space para makapagbenta nito.
Ang tipikal na sukat ng isang button pin ay 2.25 pero kung
nais mong sumubok ng ibang sukat, may mga molde kang mabibili sa halagang 4,000
pesos at 6,000 pesos. Ang mga molde na ito ay yari sa heavy duty solid stainless
metal. Ang negosyong ito ay nangangailangan rin ng computer at printer.
Sa mga materyales kailangan mo ng mga ito:
Button pin press
Button pin set kasama na ang metal plate
Mylar film o back cover na pwedeng magnet o bottle opener
Pin badge
Mirror keychain o clip badge
Ink jet paper
Ito naman ang procedure sa paggawa ng button pin:
Maggawa ng disenyo sa iyong button pin. Sa isang piraso ng
papel, gumawa ng disenyo na sakto sa button pin na inyong gagawin. Isang paraan
para makagawa ng maramihang kopya ng inyong disenyo ay ang paggamit ng kompyuter
o pag-scan nito pagkatapos mo itong maguhit.
I-print mo ang iyong disenyo. Maaari mong i-copy and paste
sa Microsoft word ng maraming beses para makagawa ka ng multiple copies ng
iyong disenyo. Sa inyong printer ay pwede mong i-set ang inyong printer sa “tile”
option hanggang sa mapuno mo ang isang piraso ng papel.
Maaari kang gumamit ng circle punch (kasama ito sa pagbili
mo ng button making machine) para makagawa ng isang perfect cut circle. Pero
kung mano-mano mo itong gagawin ay gamitin mo ang button template na kasama ng
iyong blank buttons. I-trace ang bilog sa palibot ng bawat kanto ng na-print na
imahe at gupitin
Para sa komputasyon ng mga magagasta at kikitain. Madami
lamang gawin ang pag-compute sa gastos mo sa pin kapag na-compute mo na ang
gastos sa ink. Estima ng Ronrox Corp., ang isang full page print ay kumokonsumo
ng mga ½ ml kada kulay, depende pa rin kung ilang kulay ang magagamit.
Samantala, ang presyo ng ink ay 100 piso kada 100 ml.
Sabihin na nating sa apat na basic na kulay ay 2 ml ng ink kada piraso. Kada
pahina, pwede kang mag-layout ng 11 circular images, ibig sabihin ay makagagawa
ka ng 11 pins.
Para makuha ang production cost ng labing isang pin. Pwede
mong gamiting gabay ang kalkulasyon na ito:
2 piso sa 2ml na ink
1.50 piso sa ink jet paper
44 piso sa 11 piraso ng pin badge
47.50 sa 11 pins o 4.32 piso kada pin
Depende sa iyong market, pwede mong ibenta ito ng 8 piso
hanggang 10 piso para sa whole sale at 35 hanggang 40 piso naman kapag
personalized ang disenyo.
Ilan sa tips para sa pagsisimula ng negosyong button pin
making:
Gumamit ng ink-jet paper imbes na regular bond paper para
maiwasan ang pagmamantsa ng tinta. Ang uri ng papel na ito ay coated at parang
isang photo paper.
Ang back covers ay laging mababa kaysa 10 degrees sa
posisyon ng imahe o pwede itong tilted sa kaliwang bahagi para ang clip o pin
ay maging sakto sa imahe. Sapagkat gumagalaw ang molde kapag na-pressed
na.
Siguraduhing maigi ang pagpress sa machine kapag ilalagay mo
na ang back cover.
Pwede mo ring gawing laminated ang button pins kapag ginusto
ng iyong customer na matte o scratch-free glossy ang kalalabasan nito. Kung ito
ay laminated, kailangan na tanggalin ang
mylar film at ang proseso na dapat gawin ay cold lamination.
Ang paggawa ng button pin, id at badge printing ay may
magandang kombinasyon para sa isang patok na pag-nenegosyo.
Source: business diary

Comments
Post a Comment