Magic Beans? Nagagawang sumuko sa buhay ng ilan sa atin gawa ng sobrang hirap at negatibong pananaw na nag-iisa sila pagdating sa laban nila sa buhay. Isa sa nakawawalang pag-asa ay ang mga hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ng mga pasyente ng malulubhang karamdaman. Nariyang sadyain na nilang hindi kumain o uminom ng gamot na dapat ay regular nilang iniimon dahil sa pakiramdam nilang wala naman itong epekto para maisalba o dagdagan ang kanilang buhay.
Mayroon din na masyadong nakararamdam na nagiging pabigat o perhuwisyo sila sa kanilang pamilya kaya nais na nilang wakasan ang kanilang paghihirap. Dahil diyan, masasabi natin na iba-iba ang kapasidad at maging pananaw ng tao pagdating sa buhay marahil base na rin sa pananalig sa Diyos at pagpapahalaga sa buhay ng mga ito.
Natural naman kasi na ang lahat ay papunta rin sa kani-kanilang katapusan na higit na mahalaga lamang ay kung paano nila nagawa o gawing makabuluhan ang biyayang ito habang tayo ay nabubuhay.
Pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na ang soya ay puwede ng maging alternatibo sa malalakas o matapang na uri ng gamot para sa sakit na prostate and breast cancer. Malaki raw ang potensyal nito na magbigay ng benepisyo sa kalusugan ng mga pasyente ng dalawang uri ng cancer na pinagtibay din ng dalawang uri ng espesyal na pag-aaral.
for illustration only |
Naisagawa itong i-test sa maliit na grupo na kinabibilangan ng mahigit 38 kalalakihan na siyang nag-resulta sa pagkadiskubre ng kauna-unahang non toxic treatment na siyang magpapaiwas sa paggalaw o pagkalat ng mga cancer cancer cell sa katawan ng tao.
Pinapalagay na una itong hakbang para sa paglimita o pagkakataong makaiwas sa pag-inom ng malalakas na gamot na may malaking epekto 'di lang sa kalusugan kundi maging sa ating pangangatawan. Nagawa ng soya na pigilin ang pagkalat ng prostate cancer sa katawan ng pasyente na may teoriya rin na similar na treatment o epekto ito sa mga apektadong cell ng breast cancer.
Ang kauna-unahang non-toxic na treatment ay tumatarget na pumigil o tuluyang gumamot sa iba't-ibang uri ng cell cancer. Sa ikalawang pag-aaral na isinagawa sa mahigit 1,300 kababaihan ng mga researcher sa University at Buffalo, New York, lumalabas na ang isoflavones sa soya ay nakababawas ng panganib na dulot ng unti-unting pagkakaroon ng breast cancer.
Lumalabas na ang mataas na pagkonsumo ng isoflavone ay may mahigit 30 porsyento ng mababang banta ng pagkakaroon ng breast tumor o bukol sa dibdib at 60 porsyento ng low grade na tumor.
Isinagawa ang evaluation sa pagiging epektibo ng mahigit 683 kababaihan na may breast cancer at 611 malusog na katayuan ng mga babae. Ginawang dokumentaryo o compilation ang mga dietary study at findings na hindi na nila kailangan ng follow-up at confirmation sa magandang resulta nito. Sa kabila ng ilang patunay, tinatayang patuloy pa rin ang pagkakaroon ng masusing imbestigasyon sa mabilis at maiging reduction ng cancer cell sa katawan ng tao na madalas na kumokonsumo ng soya.
mula sa Bulgar Tabloid ni Icee Reen Tolentino
Comments
Post a Comment