Skip to main content

Colors- Meaning at Effect Sa Ating Mood



Ang teoriya umano ng mga kulay (colors) ay sadyang nakaaapekto sa ating emosyon, sa rami ng mga sikolohikal na pag-aaral, makatutulong ang impormasyong io maging sa pagdidisenyo ng tahanan, opisina, negosyo o eskuwelahan. 
Meaning and Effects of Colors
Inuugnay din ito sa advertisement, event planning at research methods tulad ng paggamit ng colored ink sa papel para sa surveys. 

Ang maunawaan kung paanong ang kulay ay nakaaapekto sa emosyon ay may paliwanag din kung bakit ang isang kapaligiran ay puwedeng magdala sa tao ng lungkot, galit, saya, pagrerelaks at pagsigla.

Ang pangkalahatang kaugnay ng kulay

Ang kulay na pula ay may kaugnayan sa pagmamahal, dedikasyon at hangarin sa mas malalim na pamamaraan

Ang kulay na may kaugnayan sa mood at damdamin ay isang karaniwang tema sa Feng Shui, ito ang tinatawag na Chinese art na binabalanse ang kapaligiran tungo sa masayang pamumuhay. Ang karaniwang kulay na may kaugnayan ay puti na ibig sabihin ay kalinisan; itim para sa power and sophistication, death and mysterousness; ang asul para sa tiwala, karunungan, katalinuhan at relaxation; ang berde para sa kalikasan at talino habang ang pula ay para sa lakas, hangarin o pagmamahal, giyera at panganib, depende sa setting (ang isang silid-tulugan kontra sa business office)

Nauugnay na Feng Shui Color

Sa pungsoy, ang mga kulay ay inuugnaysa pinakadirektang epekto nito. Libung taon na ang nakalipas nang magsimulang iugnay ang mga kulay sa paligid, maging sa epekto ng ugali ng isang tao.


Ang pula sa Feng Shui ay may kaugnayan sa reputasyon ng tao sa kanyang kasikatan at pagpaimbulog sa lipunan. Ang itim ay may kaugnayan sa buhay at tinatahak na daan ng karera at ang swerte nito ay sa tubig. Ang berde ay may kaugnayan sa pamilya at ang elemento nito ay kahoy. 


Ang puti ay may kaugnayan sa mga bata, pagkamalikhain at elemento nito ay metal. Ang dilaw- ang pangunahing kulay sa Feng shui ay may kaugnayan sa kalusugan at earth color. Ang ibang kulay ay may kaugnayan pero hindi sa elemento tulad ng pilak sa kasaganahan, asul sa kakayahan at talino, pilak o gray sa pagbibiyahe at ang pink sa pagmamahal, kasal at relasyon.


Ang mga nakakaiinspirang kulay ( Inspiring Colors)



Ang puting coat na suot ng mga doktor ay sinisimbolo ng kalinisan ng kapaligiran habang ang malambot na blue scrubs ay pampakalma. 


Sa pagpili ng kulay para sa kapaligiran, ang pananamit, make up o regalo, ayon sa research ng University of California sa Berkley na inilimbag sa "Advances in Consumer Research" journal na ang atin umanong emosyon ay may impluwensiya sa kulay na ating pinipili. Pansinin kung paanong ang mga kontrabida sa pelikula at cartoons ay madalas magsuot ng itim para isimbolo na sila ay mga diyablo habang ang mga doktor at nurse ay nakasuot ng puti bilang simbolo ng kalinisan at kaligtasan, kalinisan ng kapaligiran sa ospital. 


Pero hindi sila aktibong may kaugnayan sa utak ng tao kundi ang emosyunal na sensasyon ang siyang humihingi ng napipiling kulay. Ang pula ay ikinokonsiderang "extreme color" at madalas na palamuti sa ibang dekorasyon, pero sa pananamit, mas kaakit-akit ang nakapulang damit. 


Higit na produktibo ang mga mangagawa kapag idinekorasyon sa opisina at fitness centers at nagpapahayag ng impresyon ng katapatan kapag nakasuot ng asul. Konserbatibo at masculinity ang ibig ipahiwatig ng berde, nakakarelaks din kapag berde ang isang silid lalo na kung ito ay isang waiting area. Matingkad ang dilaw at energetic kapag isinuot. Mainam ding pampatingkad ng nakakarelaks na silid. Ang pilak na kulay ay royalty at simbolo ng yaman at garbo. source: bulgar isinulat ni: Nympha Miano Ong


Bookmark and Share


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah