Skip to main content

School Tips: IBANG PARAAN PARA MAKAPAG-ARAL





Matapos kuwentahin ang mga gastusin sa pagbabalik-eskuwela sa panahon ng kawalan ng trabaho, ang kasunod na konsiderasyon ay kung saan kukunin ang perang pantustos sa pag-aaral.May ipon bang pera na maaaring ipandagdag sa mga gastusin? May nga ari-arian bang puwedeng ipagbili? Tandaang hindi dapat gamitin para rito ang pondo sa pagreretiro dahil mahihirapan nang kitain ang dapat sana’y tutubuin ng pera kung hindi ito gagalawin. Ang dapat sa ganitong sitwasyon ay ipagpatuloy ang pamumuhay na gamit ang pormula: “Kita bawasan ng ipon ay paggastos” o “ Income minus savings equals expenses.”

Maliban sa ipong pera, maaaring bigyan ng konsiderasyon ang mga sumusnod para makapag-aral:

1) Mag-aplay ng scholarship sa TESDA (Technical Education and Skills Development Authority) o sa iba pang ahensya ng gobyerno o pribado na nagbibigay ng mga libreng edukasyon.

2) Mag-aral sa gabi o tuwing weekend o ‘di kaya sa pamamagitan ng internet online education. Sa ganitong paraan, maaari pa ring makapagtrabaho kasabay ng pag –aaral kahit pa medyo mas matagal ang proseso bago makapagtapos.

3) Sakaling hindi nawalan ng trabaho pero gustong makapag-aral, isa pang posibleng pantustos ay ang lumapit sa pinuno ng pinaglilingkurang opisina at hilingin kung maaari kang bigyan ng scholarship. Kung maganda ang record sa kumpanya at lubhang mahalaga ang trabahong ginagawa, maaaring pagbigyan ang pagnanais na madagdagan ang kaalaman at kasanayan.Posible ang sistemang tuition reimbursement pero maaaring kaakibat nito ay dapat tiyakin na hindi hahanap ng ibang trabaho pagkatapos makapag-aral o kailangang mangako sa kumpanya na mananatili sa kanila ng ilang taon pa matapos ang pag-aaral.

Huwag kalimutang dahil may karanasan na sa pagtatrabaho, magandang hingin ng payo ang mga naging amo, kaopisina o pati na rin ang mga naging tauhan. Makakatulong ito para mapabilis ang katuparan ng iyong inaasam na pagtatapos sa pag-aaral.

Dahil napagpasyahang magtapos ng pag-aaral habang may panahon pa, kalaunan ay makikita ang kabutihang dulot ng ganitong desisyon dahil magagamit mo ito para magkaroon ng pagkakataong makahanap ng mas magandang trabaho o mas mataas na sahod.

- Easy Money (Bulgar) ni Francisco J.Colayco


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...