Skip to main content

Love Tips: Ano Ang Pagkakaiba ng Lust sa Love?



Ang lust ay hindi pagmamahal at kahit kailan hindi ito magkakaroon ng parehong kahulugan. Ngunit sa ilan, mahirap unawain kung ang nararamdaman ba nila ay pagnanasa lamang o pag-ibig. Ano-anu nga ba ang pagkakaiba pa ng lust sa love?


Itanong mo ito sa iyong sarili:

Nais mo ba siyang makasama ng matagal o ng kahit sa forever?

Kaya mo ba siyang ipagtanggol sa mga nang-aapi sa kanya?

Kaya mo bang harapin ang mga magulang niya o kaya mo ba siyang ipakilala sa mga magulang mo?

Kaya mo bang ipagmalaki siya sa’yong mga kaibigan?

Kaya mo bang huwag sumuko sa mga pagsubok ng inyong relasyon?

Kaya mo bang magpatawad o humingi ng tawad sa iyong mga pagkakamali?

Kaya mo bang magkaroon ng maraming panahon sa kanya o kundi man ay quality time?

Kaya mo bang magbago para sa iyong sarili at para sa kanya?

Kaya mo bang makipag-commit sa isang relasyon na hindi pilit ngunit may pagkukusa?

Kung OO lahat ng sagot mo, maaaring senyales ito na Love ang nararamdaman mo sa tao at hindi lust o pagnanasa lamang. 

Kung puro ang laman lang ng isip mo ay makasiping lang siya gabi-gabi o sa tuwing ikaw ay makararamdam ng init, malamang sa hindi, pagnanasa lang ang iyong nararamdaman para sa taong iyon.

Walang eksaktong kahulugan ang pagibig sapagkat bawat taong nagmamahal ay may kanya kanyang interpretasyon kung ano ito para sa kanila. Sa kabilang banda, madali mo namang malalaman kung lust lang ito sapagkat hindi puso ang nakadarama nito.
Source: bestlovetips.com


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...