Ang avocado ayon sa pag-aaral ay mainam sa utak dahil sa fat na nakukuha rito. Lumabas sa pag-aaral na ang pagkain nito ay nakakadagdag upang bumilis at maging alerto ang isang tao sa kanyang pag-iisip.
Maaring isang fatty food nga kung ituring ang avocado pero madami itong mabuting dulot sa kalusugan ng isang tao bukod pa sa masarap itong ihain sa meryenda lalo na't sasahugan mo ng gatas,asukal at malamig na yelo o di kaya naman ay gawin avocado shake, perfect meryenda na ngayong summer.
Napag-alaman na ang avocado ay nakakatulong din upang pababain ang iyong mataas na kolesterol. Kaya din nitong paliitin ang tsansang magkaroon ng mga sakit gaya ng diabetes, stroke at coronary artery disease.
May kakayahan din ang avocado na panatilihing maganda ang hubog ng iyong katawan. Akma rin ito sa mga nagdyedyeta.
At panghuli, dahil sa mayaman sa phytochemicals ang avocado ay isa rin sa pwedeng makatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng nakakamatay na sakit na cancer.
Comments
Post a Comment