Skip to main content

Tips Para Maging Olympian



Nais mo bang maging isang magaling na atleta sa mundo? Hindi naman masamang mangarap lalo’t ikaw ay determinado. Heto ang ilang tips para maging isang magaling na Oympian.


Ngayon pa lang ay pumili ka na ng iyong sport. Alamin kung mabuti at gustuhin pa nang husto ang isang sport na napili mo. Ang pamilyar na sport, natural ang iyong pipilin pero isipin mong mabuti,ang mga popular na sport ay may milyun-milyong dedicated participants at sadyang napakahirap sumagupa. Ang hindi masyadong sikat na sport tulad ng speed skating, luge, softball, figure skating, pentathlon ay iilan lang ang puwedeng makalaban.

Suriin mabuti ang katawan at pumili ng sport na angkop sa iyo. Gaano ka man ka-dedicated, maliban kung may sobra kang kakayahan at bilis sa pagtakbo, hindi ka magiging Olympic marathoner. Pero kung matangkad ka sa edad na 16, hwag kang mag-gymnast. Kumonsulta sa sports physiologist kung anong sport ang bagay sa iyo.

Maglaan ng maraming taon na mag-training sa iyong sport, palawagin ang lahat ng aspeto ng fitness, lakas at endurance, gawing pang-araw-araw na buhay o isabuhay ang cross training para maiwasan ang pagkabagot at injury.

Magtiwala sa iyong sarili. Kailangang handa lagi ang isipan sa anumang game. Maging matatag at matapang sa lahat ng aspeto. Iwasang sumuko.

Dumalo sa sports academy. Ang mga iskul na ito ay may ibinigay na intensive training sasport na ito hanggang sa highschool level. Ang karanasan, exposure at coaching na makukuha mo ang magkukuwalipika sa iyo para mag-excel sa sport.

Pumili ng mahuhusay na coaches para umibayo ang skills. Kumuha ng sports pyschologist para maitakda at maabot ang layunin. Kumuha rin ng pribadong coach kung kailangan.

Lumahok sa National Team ng sport at buong taon kang mag-training (walang pahinga ang Olympian). 

Gawin ang pinakamahusay para makaag-perform  ng mabuti kahit sa pinakanakatitigatig na tensyon at talunin ang lahat ng kalaban hanggang sa makabilang ka sa Olympic Team.

Baguhin ang citizenship. Mas magiging madali na makuwalipika sa Pakistan Sailing Team kaysa sa U.S Tem. 
Ang ibang bansa ay naghihingi ng katibayan ng pinagmulan tulad ng kung saan ipinanganak ang mga lolo at lola.

Kahit pa lampas ka na sa 20 anyos, puwede ka pa ring magkaroon ng gold medal. Ang ilang sports tulad ng archery at shooting ay puwede kahit anong edad.

Mas magandang lumahok sa varsity para magka-scholarship bonus at maging hakbang ito tungo sa matayog na pangarap sa Olympics.

Lumahok sa association o governing body ng iyong sport na pinili para mas informed ka sa mga major competition kabilang na ang Olympics trial.

Lumagi sa lugar na kilala sa sport na pinili mo kung swimmer, lagi ka dapat nasa swimming pool.

Kung magpapalit ka ng nationality, pipigilan ka ng International Olympic Committee na makipag-compete sa international events sa loob ng tatlong taon.
Source: Bulgar credits to: Nympha Miano-Ang


Comments

Popular posts from this blog

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips o Mga Kaalaman Tungkol Sa CYST

Individuals who have cyst are concern if this can make them paralyzed when not medically cured by surgery. What is cyst and what to do? Ito ang ilang tips o kaalaman tungkol sa cyst. Cyst- What it is and What to Do? Most often, cyst that are shown on our back body part is called sebaceous cyst. Ang sebaceous gland ng ating balat ay nagbubuga ng sebum. Ito ay isang uri ng langis na siyang nagpapanatiling malusog sa ating balat. May mga sebaceous gland sa ating buong katawan maliban lamang sa talampakan  at palad. Mas madalas na makita ang sebaceous gland na ito sa katawan,mukha,balikat at ari. Kapag nabarahan ang mga outlet ng glandulang ito, magpapatuloy pa rin itong maglabas ng sebum at kapag naipon, itoay magiging cyst at ito ay mapapansin na nakaumbok sa balat, matigas at puwedeng lumaki kung mananatiling hindi impektado. Mas madalas kaysa hindi, naiimpeksyon ang mga naturang cyst. Kakailanganin ang minor operation (out patient lamang) para sa sebaceous cyst subalit, ...