Skip to main content

Batang Lumaki Sa Happy Family Mas Matalino



Bawat bata ay ninanais na magkaroon ng isang happy family. May mommy na nag-aaruga at may daddy na gumagabay sa kanya. Pangarap ng bawat bata na makadama sila ng pagmamahal sa kanilang mga magulang. At alam ninyo bang ang batang lumaki na mayroong masayang pamilya ay mas matatalino kaysa sa mga batang walang pag-aaruga ng magulang o mga batang lumaki sa bahay ampunan.


Base sa pag-aaral ng mga eksperto sa child psychology ay malaking tulong para mapabilis ang mental development at lumaking matalino ang mga bata sa tulong ng pagkakaroon nila ng loving parents.

Nagkakaroon ng mabilis at pag-boost sa healthy at tamang brain growth lalo na at puno ng pagmamahalan, kasiyahan at mabubuting bagay sa loob ng kanilang tahanan.

Kaya ang mga bata na lumaki o nalipat ang pangangalaga sa ibang tao tulad ng mga bata sa lansangan o ampunan ay may lower level ng gray at white matter sa utak o itinuturing  na 2 importanteng component ng central nervous system.

Kumpara sa mga normal na batang nasa typical na home environment ay may normal na level ng white matter na siyang nagre-relay ng mensahe sa utak habang ang gray matter naman ay nagko-contain ng nerve cell na siyang resposable sa muscle, senses, memorya,emosyon at sa speech.

Base sa kanilang research, ang pagbaba o absence ng stimulation na nagre-require ng normal na brain development ay nangagaling sa pagmamahal at pangangalaga na nararamdaman nila habang nae-exposed sila sa loob ng tahanan.

Ang tatlong aspeto ng physical, psychological at emotional na bahaging bata ay nasasakop at kumukumpleto sa kanyang pagkatao o personalidad ngunit mas nakalalamang na magkaroon ng improvement sa kakayahan nilang mag-isip at umunawa.

Maaari rin namang ma-improve ang kondisyon ng mga bata kahit na galing sila sa foster family kung sapat naman ang ipinararamdam at ipinakikita ng kanyang mga kinikilalang magulang na nagtuturing sa kanya bilang tunay na anak.

Nagsisilbi ang white matter sa ating utak bilang key role para magkaroon tayo ng abilidad na matuto at mag-function ng tama ang utak kung saan ang kakulangan at pagkasobra sa mga matter na ito sa utak ay posibleng magdulot ng epekto sa IQ, language skill at sakit tulad ng attention deficit, hyperactivity at mental health problem.

Nais mo bang lumaking matalino ang iyong anak? Palakihin sila sa pagmamahal at masayang pamilya at tiyak naming ito ay makatutulong sa kanyang paglaki hindi lang sa pagiging matalino kundi pati sa magandang pag-uugali.
Source: bulgar credits to: Icee Reen Labereno


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...