Skip to main content

No Money Pero Gustong Mag-Negosyo Paano?



Madami na sa ating mga kababayan ang nais magsimula ng negosyo dahil na rin sa hindi naman ganun kalaki ang kanilang kinikita bilang isang empleyado o mga talagang hindi pinalad na matanggap sa trabaho. Ngunit marami rin ang walang sapat na puhunan para magsimula. Kung kaya’t bukod sa dami ng bilang ng mga nais magnegosyo ay dumarami rin ang mga taong nagiging interesado kung paano sila mag-nenegosyo ng walang kapital. No money kamo para magsimula ng negosyo? Heto ang ilang tips para sa mga interesado:


Gamitin ang iyong talento, kakayahan at abilidad. Kung wala kang sapat na puhunan para simulan ang iyong ninanais na negosyo ay subukan mong mag-ipon ng pang-kapital gamit ang sarili mong kakayahan. Halimbawa, kung ikaw ay isang graphic artist ay pwede kang mag-freelance sa simula at kapag dumami na ang iyong mga kliyente ay tiyak na makaka-ipon ka na ng puhunan para makapagpatayo ng sarili mong maliit na negosyo. Iba pang talento o skill na pwede mong magamit para kumita ay ang pagsusulat, pag-ho-host ng event, pananahi at marami pang iba. Walang imposible sa taong determinado.

Pwedeng mag-ahente. Isang magandang gawin din kung walang ipupuhunan sa negosyong nais simulan ay magsubok na maging ahente ng mga produkto at serbisyo. Kung tawagin din ito ay affiliate marketing kung saan ikaw ay magiging tagabenta o re-seller. Ikaw ay bibigyan ng porsyento sa bawat produkto na iyong mabebenta. Sa paraang ito pwede ka nang makaipon ng pera para maging puhunan sa negosyong nais mong itayo.

At ang huli, tulad ng pagiging ahente ay pwede ka ring maging network marketer. Dito ay pwede kang kumita maging re-seller at pwede ka rin maging referror. Mas maraming produkto ang iyo at ng iyong mga na-refer ang mabenta mas malaki ang iyong kikitain. Ang isang network marketer ay kailangan na matibay sa hamon ng trabahong ito dahil kalaban mo rito ang sangkatutak na pagtanggi mula sa mga prospect mong maging referral. At isa pa, ang konseptong ito ay para sa mga taong may kakaunting ipon para makapagsimula nito dahil kinakailangan mong magbayad ng membership fee para makasali. Pumili ng isang network marketing company na may mababang membership fee o iyong kaya lang ng iyong naghihingalong bulsa.

No money kamo? Pero gustong mag-negosyo? Walang imposible kung ikaw ay pursigong makahanap ng paraan para makalagak ng puhunan. Maraming opurtunidad para sa yo ang dapat mo lang gawin ay ang sumubok.
Source: Businessdiary


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...