Nagbibigay ng isang magandang opurtunidad upang kumita ng pera ang pagsali sa Direct Selling. Ikaw ay pwedeng maging myembro ng direct selling companies kahit pa ikaw ay estudyanteng naghahanap ng pang-tuition fee, nanay na busy sa gawaing bahay ngunit nais kumita ng ekstra, mga kabataan na naghahanap ng pagkakakitaan habang wala pang makuhang trabaho. Wala namang malaking puhunan na kinakailangan sa pagsali sa direct selling, bukod pa riyan hawak mo ang iyong oras.
Paano Ba Ito Gawin?
Ang kailangan mo lang ay maging myembro. May mga direct
selling company na kailangan mong magbayad ng membership fee at mayroon namang
hindi. Pagkatapos ay pwede mo ng ibenta bilang ahente ang mga produkto nila.
Ikaw ay may porsyento sa bawat produkto na iyong mabebenta. Higit pa riyan,
bibigyan ka nila ng credit limit para naman kahit wala kang puhunan ay pwede
kang magpa-utang sa iyong mga magiging suki.
Sa ibang direct selling company ay mayroon ding tinatawag na
referral program. Sa ganitong paraan, kapag may myembrong sumali dahil sa iyong
referral ay maaari ka ring kumita ng porsyento sa bawat produkto na kanilang
ibebenta. Kaya naman, sinasabing ikaw ay pwedeng magkaroon ng unlimited income
sa direct selling.
Legal Ba Ang Direct Selling? Tips Para Malaman Kung Legal o
Hindi:
Walang dudang legal ang pagdi-direct selling. At ito ay
magandang panghalili sa negosyong nais mong pasukan ngunit wala kang puhunan. Ito
ay isang negosyong kahit walang pera para sa malaking kapital ay pwedeng
pwedeng pagkakitaan.
Bagamat ang direct selling ay legal, may mga ilang kompanya
ang pwede kang pagsamantalahan. Ang ilan sa mga ito ay pyramiding. Paano ba
malalaman kung legal ang isang direct selling company na sasalihan.
Ayon sa 8 point legality test ng International Council for
Direct Selling Company o ICDSI. Ito ang mga dapat mong tandaan:
- Mayroon bang produkto?
- Ang porsyento ba ng iyong kita o komisyon ay mula sa pagbebenta ng produkto o sa pagbabayad lamang ng membership fee?
- Ang pagbebenta ba ng produkto ay hindi para lamang sa posisyon?
- Wala bang direktang korelasyon ang bilang ng dami ng referral sa laki ng komisyon?
- Kikita pa rin ba ang myembro kung wala na ang Referral program o Recruit System?
- Makatwiran ba ang kanilang return policy pagdating sa produkto?
- Makatarungan ba ang market value ng kanilang produkto?
- Mayroon bang magandang rason para bilhin ang kanilang produkto?
Kung OO lahat ng sagot mo sa walong tanong na ito, malamang
sa hindi, legal ang direct selling company na iyong sasalihan. Kung lahat HINDI
ang iyong sagot. Aba’y magdalawang isip ka ng sumali.
Direct Selling Companies Na Patok Sa Pilipinas
Heto naman ang ilang kompanya ng direct selling na sikat at
patok sa Pilipinas. Certified legal ang mga ito at kung determinado kang kumita
ay kikita ka talaga ng pera. Ikaw na ang bahalang pumili.
AVON Philippines
Ang mga uri ng produktong iyong mabebenta ay make up, skin
care, personal care, pabango at apparel
Pwede kang magtungo sa kanilang website para sa iba pang
impormasyon avon.com.ph
Boardwalk Business Ventures
Ang pangunahin nilang produkto ay mga sapatos. Apparel at
fashion accessories
Ito ang kanilang website boardwalk.com.ph
Dakki Classic Concept
Ang mga produkto ay unan, damit, at iba pang gamit sa bahay
Website: dakki.com.ph
MSE Marikina Shoe Exchange
Sapatos at iba pang footwear naman ang mayroon dito. Pwede
mong bisitahin ang mse.com.ph para sa iba pang impormasyon
Natasha
Iba’t ibang produkto ang mayroon sila tulad ng damit,
pabango, sapatos, cosmetic, skin care products. Ilan sa mga artistang tulad
nina Robin Padilla at Jericho Rosales ay ka-tie up ng kompanya na ito.
Para sa iba pang impormasyon ay bumisita sa natasha.ph
Source: businessdiary.com.ph

Comments
Post a Comment