Nakararanas ka ba ng mga sintomas ng trangkaso o flu? Kung oo, dapat ay bumuti ang kalagayan ng iyong immune system sa pamamagitan ng mga masusustansyang pagkain. Ito ang ilan sa mga prutas na maiging panlaban sa FLU
Mansanas
Ang prutas na ito ay mayaman sa antioxidant. Bukod pa roon,
mayroon din itong flavonoid compounds na nakatutulong makaiwas sa heart disease
pati na rin ang cancer. Kaya’t ugaliin ang pagkain ng mansanas kung nais mong madaling
maka-recover sa trangkaso.
Papaya
Ang papaya ay mayaman sa beta-carotene, vitamin C and E, na
tumutulong makabawas sa inflammation at
pati na rin sa mga sintomas ng flu.
Saging
Isa pa sa mabisang panlaban sa flu ay ang saging. Mayroon
itong Vitamin B6 na kayang pahupain ang sintomas ng depresyon, stress, at
insomnia. Nakakatulong din ito para palakasin ang enerhiya. Mayaman din ang
saging sa magnesium na malaking tulong sa pagpapatibay ng buto. Ang saging ay
mayaman din sa potassium na tumutulong upang makaiwas sa banta ng atake sa
puso.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment