Tuwing rainy season, kailangan nating protektahan ang ating balat mula sa mataas na level ng humidity at sa kung anu-anong sakit na nagkalat sa paligid. Heto ang ilang healthy skin tips para maalagaan mong mabuti ang iyong balat ngayong tagulan:
![]() |
| Tips For A Healthy Skin On Rainy Season |
- Maligo araw-araw. Ang pagligo ay nakapagtatangal ng dumi sa ating katawan na nakukuha natin sa labas. Kung maaari, ang dalawang beses na pagligo ay mas makabubuti sa pag-aalaga ng balat.
- Gumamit ng anti-fungal soap.Ang anti-fungal soap ay tumutulong upang mapuksa ang germs na ating nakukuha. Tiyaking gagamitin lamang ito sa katawan at hindi sa mukha.
- Maghilamos ng mukha. Gumamit ng mild facial wash para sa mukha. Puwede ring gumamit ka ng ilang mga sangkap na makikita mo sa kusina tulad ng pinaghalong gram flour, rose water at gatas. I-apply ito sa mukha at maghilamos pagkatapos ng 15 hanggang 20 minuto.
- Parating sundin ang iyong cleansing , toning at moisturizing routine. Ito ay makatutulong upang manatiling bata at radiant ang iyong balat.
- Mag-apply ng sunscreen. Kahit tag-ulan, naririyan pa rin ang sun rays sa paligid kaya mas maigi kung palagi kang maglalagay ng sunscreen sa tuwing ikaw ay lalabas ng bahay.
- Panatilihing tuyo ang balat. Ang pangmatagalang pagbabad sa tubig ay maaaring maging sanhi ng impeksyon sa balat.
- Maglagay ng rose water sa tubig kung maliligo upang manatiling mabango buong araw na hindi na kailangan pang magpabango. Inirekomenda na maglagay ka ng rose water sa tubig na gagamitin mo sa pagligo.
- Gumamit ng water based cosmetic products.
- Palaging gumamit ng damit na gawa sa cotton upang manatiling cool at fresh ang balat ngayong tag-ulan.
- Subukang gumamit ng herbs sa iyong pang araw-araw na skin protection routine at diyeta. Halimbawa, gumamit ka ng turmeric para sa iyong mga problema sa balat.
- Laging gumamit ng payong mapa-araw man o umulan. source: Bulgar

Comments
Post a Comment