Skip to main content

Mga Sakit Na Karaniwan Sa Mga Lalake (Men's Health)



Kumpara sa mga babae, mas lapitin ng sakit ang mga lalake. May pag-aaral kasi na ang mga lalake, kapag nakararamdam ng sakit o sintomas ng sakit ay hindi ito pinapatingin kaagad sa doktor hanggang sa ito ay lumala na.

Ayon sa Life Mojo, ito ang lima sa health problem o mga sakit na karaniwang dinaranas ng mga lalake.


Sakit Sa Puso
Kumpara sa mga babae, mas malaki ang bilang ng mga lalakeng namamatay sa sakit sa puso. Tulad nga kasi ng nabanggit, dulot ito ng pag-uugali ng mga lalake na pabaya sa kalusugan, hindi agad nagpapatingin sa doktor para kumonsulta kapag may nararamdaman na sintomas ng karamdaman.

Ilan sa mga risk factor na maaaring dahilan ng sakit sa puso ay ang edad, family history, paninigarilyo, mataas na kolesterol, high blood, kawalan ng ehersisyo, sobrang katabaan o obesity, at diabetes.

Hindi mo kayang kontrolin ang edad at pati na baguhin ang iyong family history , pwede mo namang baguhin ang iyong pamumuhay, matutong mag-ehersisyo, kumain ng masustansyang pagkain, magdyeta at umiwas sa bisyo tulad ng alak at sigarilyo.

Stroke
Ang pinakadelikadong sakit na pumapatay sa mga lalake maliban sa sakit sa puso at kanser ay ang stroke. Hypertension ang karaniwang dahilan ng stroke kaya’t para maiwasan ito ay kailangang matuto kang i-kontrol ito.

Umiwas sa paninigarilyo, bawasan ang pag-inom ng alcohol at magkaroon ng malusog na pamumuhay upang makaiwas sa stroke. Mag-ehersisyo ng regular tulad ng pag-jo-jogging at paglalakad. Makatutulong din ang yoga at meditation para ma-relax.

Pagpapakamatay at Depresyon
Mas madami ang bilang ng mga lalakeng nagpapakamatay kaysa mga babae. Depresyon ang dahilan kung bakit nagpapakamatay ang isang lalake. Iyong mga lalake na nakararamdam ng pagkabigo at depresyon ay hindi nabibigyan ng tamang atensyon at gamutan kaya’t nauuwi sa pagsu-suicide.

Mas makikita naman ang mga sintomas ng depresyon sa mga lalake kaysa sa mga babae. Naipapakita nila ang kalungkutan sa pamamagitan ng galit, paninigarilyo, mapanganib na pag-uugali, lubos na pagtatrabaho, midlife crisis, at pag-abuso sa alcohol at droga.

Iniisip ng mga lalakeng dumaranas ng depresyon na wala nang saysay ang kanilang buhay at ang pagpapakamatay ang solusyon para matapos ang kanyang paghihirap. Ang paghahanap ng medical assistance ang tamang paraan para labanan ito.

Lung Cancer
Isa ito sa mga pangunahing sakit na kinakaharap ng mga lalake. No. 1 killer ito sa mga lalake pati na sa mga babae. Ang taas ng panganib sa lung cancer ay dulot ng pagkalantad sa amoy ng sigarilyo. Bukod pa sa sigarilyo, ito rin ay maaaring dulot ng family history, polusyon ng hangin, at pagkalantad sa radon.

Para makaiwas sa sakit na ito ay tigilan mo na ang paninigarilyo.

Kanser sa Prostate
Pangalawa sa lung cancer ay ang prostate cancer na pangunahing sakit ng mga lalake. Ang sakit na ito ay nagagamot. Lalo’t habang maaga ay naagapan na. Mahirap alamin kung mayroon kang prostate cancer sapagkat wala itong sintomas hanggang sa kumalat na lang ito sa iyong katawan. Screening ang tamang paaran para makita kung mayroon kang kanser sa prostate.

Iba pang risk factor ay ang advanced age at high fat na dyeta. Ang mga lalakeng mahilig kumain ng red meat at iba pang high fat dairy products at hindi isinasama ang pagkain ng sariwang gulay at prutas sa kanilang dyeta ay nasa panganib na magkaroon ng prostate cancer.

Kaya’t dapat na magkaroon ng healthy diet sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang prutas at gulay, ang tamang dyeta na rekomendado ay low fat diet, mag-ehersisyo din at bawasan ang pagkain ng red meat.
Source: medicmagic


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...