Skip to main content

Problems: Tips Para Ma-solve Ito



Sino bang tao na normal ang pag-iisip ang hindi nagkakaroon ng problema. Lahat tayo ay magsasabing oo nga ano? Ang mahalaga naman sa buhay ay matuto tayo na mabigyang solusyon ang bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay. Pero paano nga ba ma-solve ang problema. Ito ang ilan sa mga hakbang o tips para rito:



Una. Tangapin mo sa sarili na may kinakaharap kang problema. Huwag mo itong takasan dahil kung hindi ka man magsisi sa bandang huli ay maaaring ikadagdag pa ito ng iyong dalahin. Acceptance and recognition of the problem is the first step in problem solving.

Pangalawa. Ano?Paano?Kailan?At saan ba nagsimula ang problema? Alamin ang mga bagay na puno't dulo nito upang mabigyang linaw mo ang lahat sa paraang magaan at may patutunguhan. Assembling of the facts about the problem is crucial in finding a better solution.

Pangatlo. Maghanap ka ng paraan upang masolusyonan ito, bigyan mo ang sarili ng mga option. Ano ang plan A mo? Ano ang Plan B. Maaari ka ring komunsulta sa matalik mong kaibigan hinggil sa iyong problema ngunit dapat sa bandang huli ay desisyon mo pa rin ang mangingibabaw sa bawat payong maririning mo sa kanya. Kung ang problema ay nangangailangan ng madaliang solusyon,  consider some alternatives and quick remedies.

At panghuli. Ano ba sa tingin mo ang solusyon na makakagaan sa iyong problema? Sa mga naisip mong solusyon, ano ba ang mas maiiging gamitin. Dito na pumapasok ang pagdedesisyon. Ang huling hakbang upang masolusyonan ang problema o ang tinatawag na good decision-making. Balewala ang mga naisip mong hakbang kung hindi mo ito isasagawa.

Tandaan, ano man ang kahihinatnan ng solusyong iyong napili ay mahalagang huwag mo itong pagsisihan bagkus kung ikaw ay magkamali, isipin mo na lang na ito ay isang bagay sa buhay na nagtuturo sa ating maging matatag at maging mabuting tao.

Nagustuhan mo ba ang Tips Para Ma-solve ang Problema? O may nais ka pang tips na gusto mong maisulat namin? email us at clickmarbinpro@gmail.com


Bookmark and Share


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...