Skip to main content

Tips: SIKRETO NG TAGUMPAY



Isang gabi hindi ako makatulog kaya pumunta ako sa computer shop ko para maghanap ng solusyon sa gumugulo sa isipan ko, binuksan ko ang isa sa mga pc at nagpunta sa site ng google para i-search ang "sikreto ng pagyaman" dahil ito naman talaga ang gumugulo sa akin kong paano yumaman.

May isa akong kwento na nakita at nagbigay sa akin ng inspirasyon at konting ngiti na may halong paghanga sa nakaisip nito.

ANG AGIMAT NG TAGUMPAY

Si Mario at Lito ay matalik na magkaibigan, subalit kung tungkol sa estado ng buhay ng magkaibigan ay malaki ang agwat nila sa isat isa.

Si Mario ay isang matagumpay na businessman samantalang si Lito ay isang simpleng mamayaman na gusto gusto ring maging katulad ng kanyang matalik na kaibigan.

Isang araw habang magkasama ang dalawa sa isang kapihan nagtanong itong si Lito sa kanyang Kaibigan:

"Pare, ano ba ang sikreto mo bakit successful ka" tanong ni Lito

"Wala naman,siguro dahil sa agimat na meron ako" Sagot ni Mario

"May agimat ka???" gilalas ni Lito

"Oo pare, gusto mo bigyan kita ng agimat ko"

"Aba syempre naman" dagling sagot nya.

"Ganito ,eto ang sikreto dyan, bukas may ibibigay ako sa iyo, pupunta ako sa bahay nyo para sa malaman mo ang ano ang agimat na yun" sabi ni Mario

"Sige"

Kinabukasan excited na excited si Lito kaya nga hindi sya mapakali kakaintay sa kaibigan. I Iniisip nya na ito na sa wakas ay magkakaroon na rin sya ng agimat para maging matagumpay sa buhay. Makalipas ang ilang minuto dumating na si Mario,at nagulat sya sa
dala dalang kulungan sa likod ng sasakyan nito.

"Ano to pare? Tanong ni Lito

"Kulungan ng aso, kasama si Doggie, ang pinakamabangis na aso" sabay turo ni Mario sa kulungan..

Nnatakot si Lito dahil naglalaway ang aso habang nanlilisik ang mata nito sa kanya. Mabangis na mabangis ang aso.

"Pare nakita mo yung naksabit sa leeg ng aso, Yung kwintas……nandun ang sikreto para magtagumpay ka, tandaan mo ang kailangan mo lang ay paamuin ang aso para makuha ito. Pag sinubukan mong puwersahing para makuha yun mawawalan ito ng bisa." Paalala ni Mario

"Ganun ba?sige pare susubukan ko"sagot nya.

Pagkaalis ni Mario, hindi alam ni Lito kung paano nya makukuha yung kwintas na sa leeg ng aso, basta ang naiisip nya na nandun ang sikreto na sinasabi ng kaibigan nya. Pakiwari nya isa itong agimat na maaring sikreto sa pagyaman nya. Pero hindi nya alam kung paano nya makukuha yun.

Sa tuwing lalapit sya sa aso, panay ang ngitnit at tahol ng aso, pakiramdam nya ay lalapain sya ng buhay ng napakalaking asong yun. Hindi naman nya magamitan ng pwersa sapagkat baka mawala ang bisa nito, kaya nag-isip sya kung paano ito mapapaamo.

Tuwing umuga pinupuntahan nya ito,at sa tuwing papakainin nya ang aso gumagamit sya ng malaking patpat para mailagay ito sa kulungan nya. At dumistansya sya ng mga dalawang metro at mula sa malayo at tinatanaw nya ito at kinakausap na parang isang tao.

"Doggie, alam kong mabait kang aso, kamusta ka na? Kamusta ang tulog mo?"

Sa bawat labas ng salita sa bibig ni Lito, galit na galit ang aso sa kanya, naglalaway ang aso at lumalabas ang mga pangil na malalaki na gusto gusto syang lapain at pagkakagatin.

"Sorry doggie sige kain ka na"amo ni Lito

Tuwing gabi naman, pinupuntahan rin ito ni Lito, halos binabantayan nya ang aso at tinitinganan sa malayo.Kinakantanta han pa na parang bata, at binebentiladoran para di mainitan, kaya halos mapuyat sya mapaamo lang aso.

Ngunit sa pagdaan ng ilang araw pakiwari nya hindi nya na ito mapapaamo, gusto na nyang sumuko at ibalik na lang ang aso sa kaibigan nya, subalit naisip nya na kung sakaling makuha nya ang agimat na yun magtatagumpay sya, kaya naman pinapalakas nyang loob nya at iniisip na lang nya na makukuha rin nya ang agimat

Sa araw araw lumalapit sya sa aso ng mga ilang pulgada,pinapakain lagi lagi, pinapainom at pinaliliguan din at sa gabi naman ay halos napupuyat sya dito para kausapin at kantahan. Ang iniisip nya at kung lagi sya makikita ang aso magiging palagay din at aamo din ang
aso sa kanya.

Hanggang sa hindi nya namalayan na papalapit na ng papalapit na sya sa aso. Hindi na gaanong nangangalit o naggagalit ang aso, marahil dahil sa lagi nyang nakikita si Lito na syang nagbibigay ng pagkain at inumin sa kanya. Unti unti na itong tumatahimik at nawawala na ang mga tahol.

Makalipas ang anim na buwan na pagtatyaga at paghihintay sa wakas ay naging maamo na rin ang aso sa kanya. Hindi sya makapaniwala sa kanyang nakita at naramdaman sapagkata parang isang napakabait na aso ang nahahawakan nya ngayon na noon ay halos hinid man lang nya matingnan ito na hindi tumatahol. Dali dali nyang kinuha ang kwintas sa leeg ng aso. Para makuha ang agimat.

At sa kanyang pagsisiyasat nagulat sya na ang kwintas ay pagkaraniwan lang, isa lamang itong ordinaryong kwintas nakikita nya sa tabi tabi, at sa tabi ng kwintas ay may isang maliit na plastic
case at sa loob nito ay may nakabilot na papel sa loob. Inisip nya na maaring nandito ang dasal para magkabisa ang kwintas kaya dagli dagli nya itong binuklat at kanya itong binasa . Pagkabasa bigla syang nainis, nagulat at nabigla. Ngunit kalaunay ay ngumiti din
sapagkat ang nakasulat ay:

"Pare, naisahan kita….heheheh, di ko alam uto uto ka rin pala.

KAYA PARE YARI KA……."

Niloloko lang pala sya ng kaibigan nyang si Mario, pero kalaunay napag-isip isip nya na ang sikreto ng tagumpay pala ay ang pagiging matyaga, pasensyoso, at masikap. Marahil naloko sya ng kaibigan nya subalit marami naman syang natutunan sa pangyayaring yun. Marahil gusto lang din syang turuan ng kanyang kaibigan. NAlaman nya na ang agimat ay nasa kanyang sarili lang pala at wala sa kwintas. Kaya gagamitin nya ang kanyang natutunan sa totoong hamon ng buhay at gagawin nyang daan tungo sa tagumpay. Nasabi lang nya sa kanyang
sarili "Salamat pare"..

Sa buhay natin minsan pakiramdam natin na hindi na tayo magtatagumpay pa kaya sa una pa lamang pagsubok sumusuko na tayo agad. Minsan ayaw nating mahirapan kaya kung nakakaranas tayo ng kahirapan, agad susuko na din tayo.

Tandaan sana natin na walang madaliang paraan sa pagtatagumpay ito ay nangangailangan ng tyaga, pasensya at pagsisikap.Wag tayong matakot sa tagal ng panahon para makuha ang isang bagay tandaan natin na hindi ito makukuha ng sapilitan sapagkat ito ay nagngailangan ng paghihirap at sakrispisyo. Nasa atin ang susi ng tagumpay at nasa atin ding mga kamay ang ating kapalaran. Huwag tayong susuko sa buhay....

Nawa'y itoy maging inspirasyon sa lahat.


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...