Wala na yatang lulungkot pa sa dalawang taong nagmamahalan kung kayo ay malayo sa isa't-isa. Lalo na sa mga panahong gusto mo siyang kayakap, nais mo siyang hagkan o makasiping. Ito na kung tawagin ay Long Distance Relationship. Madalas itong mangyari lalo na sa mga magkasintahan na nagtatrabaho sa magkabilang panig ng mundo o mga may asawang nagtatrabaho overseas. Ito ang ilan sa mga tips para mapagtagumpayan mo ang relasyon ninyo kahit malayo kayo sa isa't isa.
searched from google image for illustration purposes only |
- Matutong mag chat, email o gumamit nang anumang makabagong teknolohiya para sa inyong komunikasyon. Sa panahon natin ngayon, parang kay liit na rin ng mundo dahil sa gamit ng telepono, kompyuter at internet. Gamitin mo ang mga bagay na ito para kayo ay mag-kausap sa araw-araw. Mas maigi ring gumamit kayo ng webcam sa tuwing kayo ay makikipag chat.
- Iwaksi ang mga pagdududa at magtiwala lang. Hindi makabubuti kung palagi kang may duda sa iyong partner gaya ng palaging pagtatanong sa iyong sarili na " Faithful ba siya sa akin?" o " Sino kayang kasama niya ngayon". Kung talagang mahal mo siya ay ibibigay mo ang iyong buong tiwala sa kanya kahit pa hindi mo siya nakikita sa araw-araw.
- Isang malalim na pagmamahalan ang sikreto para maging matagumpay ang long distance relationship. Lagi mong hagkan ang litrato nang iyong minamahal sa tuwing na mi miss mo siya. Lagi mong isipin sa tuwing tinitignan mo ang kanyang litrato na mahal na mahal mo ang taong ito at lahat gagawin mo upang siya ay maging masaya sa kabila ng distansya at oras na hindi kayo magkasama. Ang siyensya na ang nagsasabing ang pag-ibig ay nagsisimula hindi sa puso kundi sa ating isipan. Magkagayon, kung palagi mong iisipin ang pagmamahal mo sa kanya sa araw-araw ay magiging malalim ito habang tumatagal.
- Huwag mawalan ng pag-asa na darating din ang araw na kayo ay magkakasama, mahahalikan siya, mayayakap at makakasiping. Maging positibo lang ang iyong pananaw sa tinatakbo ng iyong relasyon at sa bandang huli, makikita mong ang ibubunga nito ay isang matatag na relasyon.
Muli...
Iwaksi sa isipan ang tukso, ang pagdududa at panatilihin ang wagas na pagmamahalan sa kabila ng layo ninyo sa isa't-isa. Pasasaan ba't darating din ang araw na makakapiling mo rin siya.
Nawa'y nakatulong sa iyo ang Tips para maging matagumpay ang long distance relationship. Maaari mong i share ito sa facebook para makatulong sa iba mo pang kaibigan.
Iwaksi sa isipan ang tukso -- ha ha, ito ang kelangan ko..
ReplyDeletenasa abroad kasi si Dear ko.
Napakamakabuluhang mga tips Katoto
Salamat!
tukso!tukso! layuan mo ako...heheh...salamat sa iyong pagdaan
ReplyDelete