Problema mo ba ang mga alikabok sa iyong bahay? Huwag nang mag-alala katoto sapagkat heto na ang ilan sa mga paraan upang hindi bahayan ng alikabok ang bahay mo.
1. Kailangan mo ng isang magandang pamunas. Mas maiging gumamit ng mga micro fiber cloth kaysa sa mga feather duster. Mas nakakakuha kasi ito ng mga alikabok na talaga namang nakapagpapaalis ng dumi. Mas matagal din ang panahon na tinatagal nito kaysa sa huli.
2. Sa itaas ka muna magsimulang maglinis. Mas maparaan at hindi ubos oras kung magsisimula kang mag-alis ng alikabok sa itaas na bahagi ng kahit anong gamit mo sa bahay tulad ng lampara,cabinet,bintana atbp. Hindi na magiging paulit-ulit pa ang pag-imis mo kung ganito ang paraan mo dahil wala nang malalaglag pa na alikabok mula sa itaas pababa.
3. Gumamit ka ng dryer sheets kung magpupunas ka sa loob na bahagi ng washing machine, sa ganitong paraan matatangal mo lahat ng dumi na naiwan mo mula sa iyong paglalabada.
4. Para sa iyong mga furniture, mas maiging huwag mo itong idikit sa dingding. Isa kasi ito sa mga dahilan kung bakit mabilis bahayan ng alikabok ang mga pader ng inyong bahay. Isa pa, mas madaling mawalisan ang gilid gilid ng inyong mga furniture kung hindi ito nakasandal maigi sa dingding.
5. Huwag mabahala sa mga sulok sulok nang bahay na nilalagian din ng alikabok dahil maaari mo pa rin itong maalis gamit ang isang lumang medyas na nakagoma sa isang mahabang patpat. Sa pamamagitan nito, pwede mo nang sungkitin ang mga sulok ng inyong bahay na hindi kayang abutin ng iyong mga kamay.
Iyan ay lima lamang sa mga epektibong tips para maitaboy ninyo ang mga alikabok sa inyong bahay. Hindi ba't mas maganda at kaaya-aya na makita ang isang bahay na malinis at komportable.
May iba ka pang natutunan na paraan upang maalis ang alikabok sa bahay o may mga katanungan ka pa? Huwag mahiya katoto na ipaalam ito sa pamamagitan ng pagkomento. Ibahagi mo rin ang iyong natutunan ngayon sa iyong mga kaibigan. Paki-tweet at pa-like nang post na ito, makikita mo ang mga buttons sa itaas at ibabang bahagi ng blog na ito.
maraming salamat, sa kasalukuyan nakatira kami ng anak ko at nanay ko sa 3000 na bahay ngunit nakakalanghap kami ng mga alikabok parati. inuubo na kami sa super alikabok kasi ginagawa yung bahay pero salamat sa payo nyo
ReplyDelete