Ang pagkakaroon ng sapat na pera para magbakasyon ay isa sa mga short-term at long-term na layunin ng pag-iipon. Kailangan nating lahat ng pahinga mula sa ating trabaho upang makasama ang ating pamilya.
for illustration only |
Kailangan sadyain ang pag-iipon para sa bakasyon. Huwag umasa sa "bahala na". Ang "bahala na" ay puwedeng magdulot ng:
- Hindi ka makapagbakasyon dahil nagastos mo sa ibang bagay ang pera.
- Hindi ka nagplano kaya hindi mo nasulit ang bakasyon. Sayang ang pera.
- Nagastos mo lahat ang pera sa bakasyon kaya walang perang natira pagkatapos
Upang maging planado ang bakasyon, kailangang maghanda ka in advance.
- Huwag na huwag gagamitin ang retirement money para sa iyong bakasyon. Alamin kung magkano ang puwede mong itabi kada buwan para regular na makaipon para sa bakasyon. Kailangan ihiwalay ang halagang ito mula sa halagang itinatabi para sa retirement.
- Simulang gawin ang budget, baguhin ito tuwing kailangan. Isulat ang bawat item na kailangan mo. Karaniwang kasama rito ang travel, damit, pagkain, regalo at iba pa.
- I-compute kung gaano katagal ang kailangan bago mo maipon ang halagang kailangan ayon sa ginawang budget. Sa ganitong paraan, malinaw sa iyo kung kailan ka talaga puwedeng magbakasyon.
- Puwedeng masyadong matagal pa o hindi mo gusto ang petsa kung kailan magkakaroon ka ng sapat na vacation money. Balikan ang iyong mga komputasyon sa savings at budget. Tingnan kung alin ang puwedeng baguhin upang magkaroon ng sapat na pera para makapagbakasyon sa petsang gusto mo. Puwedeng bawasan ang iyong pang araw-araw na gastusin upang mas malaki ang maipon. Puwede ring bawasan mo ang iyong budget.
mula sa EASY MONEY ni Francisco J. Colayco
Comments
Post a Comment