Skip to main content

Posts

Showing posts from May, 2012

Tips Para Sa May Bulutong (Chicken Pox)

Ang bulutong o sa ingles na chicken pox ay isang sakit sa balat na kung saan nag kakaroon ng maraming butlig na kung minsan ay nag iiwan ng mga peklat kapag natuyo na ang mga ito.Ang bulutong din ay isang nakakahawang sakit. Sintomas ng bulutong: Ang mga butlig nito ay parang may tubig sa loob. Nag uumpisa ang butlig nito sa ulo,dibdib,at tyan at ito ay unting unting kakalat. Sobrang kati nito lalo na kung ang bulutong ay pagaling na. Mga pangunahing sintomas ng bulutong: Pagsusuka at pag kahilo Pag kakaroon ng lagnat Pagsakit ng katawan Pag kakaroon ng sore throat Pang hihina  Pag kawalang ng gana sa pag kain Gamot sa bulutong: Pag ligo ng mabuti upang hindi maimpeksyon ang mga butlig.  Umiwas pag pawisan Pag iwas din sa mga taong hindi pa nag kakaroon ng bulutong upang hindi na makahawa sa iba pang tao. Upang hindi nman mahawahan ng sakit na ito, mabuting umiwas sa mga taong may bulutong.

Tips Para Sa May Balisawsaw

(Kidney Bladder Urinary) Capsules ₱ 3,582.00 From ₱ 3,134.05 Balisawsaw -Ito ay isang karamdaman na nakakonekta sa pag ihi ng isang tao. Ito ay walang eksaktong  kasingkahulugan sa ingles. Dahil dito nahihirapan itong ihambing sa mga sintomas na natatagpuan sa textbook ng mga doktor. Ang malapit na salita na ingles dito ay "strangury". Ang sakit na ito ay maaaring may kinalaman sa mga sumusunod na kombinasyon ng sakit. Pag kasakit ng puson Maya't maya na pag ihi ngunit kakaunti lamang Pag kahirap sa pag ihi Masakit o mahapdi sa pag ihi Mga Sanhi ng Balisawsaw  UTI Dehydration Pamamaga ng pantog o tinatawag na cystitis Bato sa bato o tinatawag na kidney stones Tips Para Gamutin Ang Balisawsaw Pag inom ng maraming tubig o iba't ibang klase ng juice tulad ng buko juice at cranberry juice. Pag kunsulta sa doktor dahil maaaring may kinalaman na ito sa sakit na UTI. Pag inom ng gamot na irereseta ng doktor upang mapigilan ang impeksyo...

Tips Para Sa Pagtatae

Ang Pagtatae ay isang "self-limiting" o sa madaling salita ang sakit na ito ay kusang nawawala sa karamihan ng nakakadanas nito.Ngunit kung ang sakit na ito ay hindi na agapan at lumala maaring mag resulta ito sa "dehydration". Ang dehydration ang pag ka-wala ng tubig sa ating katawan.Maaring ikamatay ang sakit na dehydration dahil ito ay pumipinsala sa mga mahahalagang bahagi sa katawan. Sintomas ng Pag tatae Pag tatae Pag susuka Pag sakit ng tyan Lagnat Pang hihina Pag kalubog ng mata Panunuyo ng lalamunan May mga pag tatae rin na nakakabahala.Kabilang dito ang mga sumusunod: tuloy-tuloy na pag tae tae na maitim pag tatae na may bahid ng mga dugo pag tatae habang may mataas na lagnat Ang mga ito ay nangangailangan ng pag dulog sa doktor. Tips upang mapagaling ang pag tatae: Iwasan ang street foods, junk foods o ano mang mga pagkain na maaring maka irita sa tyan ng isang tao. Maaaring uminom ng gamot  tulad ng diatabs,immodium, at ...

Mouth Sores: Tips Para Sa Mga May Singaw

Ang singaw o sa ingles na "mouth sores"  ay isang kondisyon kung saan ang bahagi na nasa bibig ay nagiging mahapdi.Ito ay maaaring makita sa dila, gilagid, o sa likod ng labi.Ang hugis nito ay bilog at kulay puti kung ikukumpara sa mapulang labi. Sanhi ng singaw: Ito ay maaaring mag mula sa pag kakakagat ng sariling dila, dila , o ano pa mang iritasyon sa bibig. Maaari ding mag mula ito sa pag katusok galing sa mga buto ng isda o karne Ang pag sisipilyo ng marahas ay maari ding maging sanhi nito Ang pag kapaso sa mainit na tubig. Lunas sa singaw: Ang saline solution o pag mumumog ng tubig na may asin ay nakakatulong ng husto sa pag hilom ng singaw. Ang pag iwas sa pag-inom sa labis na mainit na tubig. Ang pag iwas sa pag kain ng mga maaanghang o maaasim na pag kain upang makaiwas sa pag kairita ng  singaw. Maaari din na uminom ng gamot sa singaw, ngunit mas mabuting dumulog tau sa mga doktor upang makakuha ng resulta sa gamot na bibilhin. Pag ...

Prickly Heat:Tips Para Sa May Bungang Araw

Ang bungang araw (Prickly Heat) ay isang ordinaryong sakit sa balat na madalas lumilitaw kung ang panahon ay maiinit o tag-araw. Makikita ang sintomas ng bungang araw kung ang balat nito ay may mga maliliit na butlig o mga pantal-pantal. Tips upang maiwasan ang bungang araw: Mag suot ng komportableng kasuotan Maligo ng isa o higit pa sa loob ng isang araw Mas magandang gamitin ang mga mild soap sa paliligo Pag gamot sa bungang araw: Ang karamdamang ito ay  mawawala ng kusa ngunit tatagal ang bungang araw kung madalas na kinakamot ang apektadong bahagi ng katawan. Para sa mga sanggol, iwasan natin ang paggamit ng mga oil-based lotion dahil ito ay maaaring maka apekto  sa balat ng sanggol. Kung ang bungang araw ay lalagpas ng tatlong linggo mabuting dumulog na tayo sa pediatrician para tayo ay masabihan kung ano ang dapat nating gawin. Ngunit sa kadalasan, ang bungang araw ay hindi seryosong sakit at hindi dapat alalahanin dahil ito ay kusang nalulunasan. ...