Skip to main content

Prickly Heat:Tips Para Sa May Bungang Araw



Ang bungang araw (Prickly Heat) ay isang ordinaryong sakit sa balat na madalas lumilitaw kung ang panahon ay maiinit o tag-araw. Makikita ang sintomas ng bungang araw kung ang balat nito ay may mga maliliit na butlig o mga pantal-pantal.



Tips upang maiwasan ang bungang araw:
  • Mag suot ng komportableng kasuotan
  • Maligo ng isa o higit pa sa loob ng isang araw
  • Mas magandang gamitin ang mga mild soap sa paliligo
Pag gamot sa bungang araw:

Ang karamdamang ito ay  mawawala ng kusa ngunit tatagal ang bungang araw kung madalas na kinakamot ang apektadong bahagi ng katawan. Para sa mga sanggol, iwasan natin ang paggamit ng mga oil-based lotion dahil ito ay maaaring maka apekto  sa balat ng sanggol. Kung ang bungang araw ay lalagpas ng tatlong linggo mabuting dumulog na tayo sa pediatrician para tayo ay masabihan kung ano ang dapat nating gawin. Ngunit sa kadalasan, ang bungang araw ay hindi seryosong sakit at hindi dapat alalahanin dahil ito ay kusang nalulunasan.


Comments

  1. Bakit ang hapdi na bungang araw kapag pinagpapawisan ??

    ReplyDelete
  2. totoo ba na pwede ang gaw gaw sa pag gamot ng baungang araw ?

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Children’s Protection: Tungkol Sa R.A no. 7610

Nakababahala ang dumaraming kaso ng hindi magagandang insidente na nararanasan ngayon ng mga menor de edad sa kamay ng mas nakatatanda. Ang mga nakatatanda na dapat sana’y gumabay at magbigay tulong sa mga kabataan upang maabot nila ang kanilang pangarap ang sila pang nagiging hadlang para masira ang kinabukasan ng mga batang ito. Alamin ang tungkol sa proteksyon ng bata laban sa mga ganitong klaseng pang-aabuso. Ito ang kaalaman tungkol sa karapatan ng bata laban sa mga mapang-abuso sa ilalim ng R.A no. 7610. Ang insidente ng karahasan sa mga menor-de-edad, halimbawa ay ang pagpapakita ng ari ng matatandang lalaki sa batang paslit ay maituturing na isang paglabag sa Republic Act (R.A) No. 7610 o ang tinatawag na “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Nakasaad sa Section 3  (b) ng article I ng nasabing batas ang mga gawain na maituturig na child abuse: “Section 3. Definition of Terms. – x x x (b) “Child abuse” refers to the ...