Ang singaw o sa ingles na "mouth sores" ay isang kondisyon kung saan ang bahagi na nasa bibig ay nagiging mahapdi.Ito ay maaaring makita sa dila, gilagid, o sa likod ng labi.Ang hugis nito ay bilog at kulay puti kung ikukumpara sa mapulang labi.
Sanhi ng singaw:
- Ito ay maaaring mag mula sa pag kakakagat ng sariling dila, dila , o ano pa mang iritasyon sa bibig.
- Maaari ding mag mula ito sa pag katusok galing sa mga buto ng isda o karne
- Ang pag sisipilyo ng marahas ay maari ding maging sanhi nito
- Ang pag kapaso sa mainit na tubig.
Lunas sa singaw:
- Ang saline solution o pag mumumog ng tubig na may asin ay nakakatulong ng husto sa pag hilom ng singaw.
- Ang pag iwas sa pag-inom sa labis na mainit na tubig.
- Ang pag iwas sa pag kain ng mga maaanghang o maaasim na pag kain upang makaiwas sa pag kairita ng singaw.
- Maaari din na uminom ng gamot sa singaw, ngunit mas mabuting dumulog tau sa mga doktor upang makakuha ng resulta sa gamot na bibilhin.
Pag iwas sa pag kakaroon ng singaw:
- Huwag manigarilyo.
- Dahan dahan lamang ang pag sisipilyo.
- Iwasan ang ma-stress
- Mag ingat sa pag ngunguya ng mga pagkain lalo na kung ito ay matinik at nakakatusok.
Comments
Post a Comment