Nais mo banbg gumanda at kuminis ang iyong kutis pero wala ka namang sapat na pera para magtungo kina Belo o Calayan? Gusto mo ba ng kutis artista katoto? Bakit hindi mo subukan ang pagkain ng masusustansyang prutas na ito na maigi para sa pagpapakinis ng balat. Ito ang aming skin care tips ngayong araw na ito:
Kumain ng mangga dahil maigi ito na pang-moisturize sa ating
balat. Bukod pa riyan ay pinoprotekhan din nito ang balat mula sa mga pinsalang
hatid ng taas ng sikat ng araw. Ang prutas na ito ay mayaman sa beta-carotene
na pinapalitan naman ng ating katawan na maging Vitamin A. Ang vitamin A ay
tumutulong mapanatili ang kinis n gating buhok at ni-rerepair din nito ang skin
tissue para makaiwas ang ating balit sa pagkatuyot. Ang vitamin A ay humihilom
din ng inflammation dulot ng pagka-expose sa araw. Malinaw itong patunay na ang
mangga ay tulong sa kagandahan.
Kung problema mo naman ay wrinkles ay maiging kumain ka ng
oranges. Pinapabagal nito ang pagdami ng wrinkles sa ating kutis. Mayaman ang
orange sa Vitamin C na siyang proteksyon ng ating skin cells mula sa free
radicals, atoms na nakakasira ng cells o nagpapadali ng sintomas ng aging.
Ang sapat na pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C
ay tumutulong sa kalusugan at kasiglahan ng ating balat. Dumadami rin ang produksyon ng
collagen na siyang nakatutulong para kumonti ang pagdami ng kulubot sa balat.
Mayaman naman sa lycopene ang kamatis na tulad ng mangga at
at orange ay maigi rin sa pagpapaganda ng kutis. Maigi itong anti-oxidant at
proteksyon sa sinag ng araw. Ayon sa pag-aaral, ang pagkonsumo ng kamatis sa
loob ng 12 araw ay nagpapababa ng tsantsang masunog ang iyong balat sa sikat ng
araw ng mga hanggang 33 porsyento. Ito ay kumpara sa mga taong hindi
kumokunsumo ng kamatis.
Sinong magsasabing sina Belo at Calayan lang ang pwedeng
magpaganda ng inyong kutis? Ikaw rin mismo, kaya’t simulan mo ng ugaliing
kumain ng mga prutas na ito para kuminis, sumigla at gumanda ang iyong balat.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment