Problema mo ba ang maliit mong ugat na kulay green sa iyong binti? Baka varicose vein na iyan. Alam ninyo bang may isang uri ng Varicose Vein na nakamamatay?
Ayon kay Doctor Shane M. Ludovice M.D sa column niya Sabi ni
Doc sa Bulgar- Sa varicose vein, ang mga apektadong ugat ay ang mababaw na ugat
lamang o iyong kung tawagin ay Superficial Veins at hindi kasama ang mga
malalalim na ugat. Sa tinatawag na “deep vain” thrombosis” malalim na ugat ang
naaapektuhan at ito ay mas delikado dahil mayroong clot ng dugo na dumadaloysa
mga ugat ng katawan at posible itong makabara sa ugat o puwedeng sumabog at
magpira-piraso ang nasabing clot at mapunta ang ilang piraso nito sa baga.
Mas madalas na mangyari ang deep vain thrombosis sa mga
pasyenteng kapapanganak pa lamang o kaoopera pa lamang o kaya naman sa mga
babaeng umiinom ng contraceptive pills o kaya mga bedridden na matatanda.
Kadalasan na nagkakaroon ng varicose vein ay iyung mga
laging nakatayo sa kanilang trabaho, kaya ang nangyayari ay naiipon ang dugo sa
dakong ibaba ng hita at hindi na makadaloy maigi pabalik sa puso dahil
karaniwang depektib ang valvula ng ugat.
Sa paggamit ng cream, kung sa tingin mo ay nababawasan nang
kaunti ang mga maliliit na ugat, okay lang itong ituloy. Mayroon ding mga natural treatment para sa varicose vein na pwedeng maka-remedy. Maipapayo rin ang
paggamit ng support elastic stocking habang nasa trabaho at alisin ito sa gabi.
Makatutulong din ang pagtataas o pag-elevate ng paa kapag nagpapahinga.
Source: Bulgar credits to: Sabi ni Doc Shane M. Ludovice M.D
Comments
Post a Comment