Isang experto ang naglahad na mainam na ilahok sa regular na diet ang pagkain ng peras, repolyo at lemon upang magkaroon ng maganda at malusog na kutis. Ito ang skin care tips para sa araw na ito. Basahin ang bisa ng Lemon Peras at Repolyo bilang pamgpaganda ng kutis.
PERAS. Ang naturang prutas ay punumpuno ng nutrisyon na mainam para sa kutis ng isang tao, kabilang na ang copper, potassium, iron, zinc, magnesium at vitamins C,E,B, K. Ang peras ay mataas sa oxygen na tinatayang kumokontra sa banta ng aging free radicals na mayaman sa antioxidants na sadyang mainam sa balat.
REPOLYO. Ang naturang gulay ay nagtataglay ng 11% ng maraming Vitamin C kesa sa orange. Kung saan ang Vitamin C ay maituturing na anti-aging nutrient na nakatutulong upang maiwasan ang pinsala sa tissue at mabawasan ang mga linya sa mukha. Ang repolyo ay nagtataglay ng Vitamin A na mainam para makaiwas sa banta ng wrinkles.
LEMON. Isa sa pangunahing solusyon para sa mas makinis na kutis ay ang regular na pagkonsumo ng mga pagkaing sinusuportahan ang kalusugan ng atay kung saan ang lemon ay ang pinakamabuting halimbawa. Ang lemon ay diumano'y nakapagpapataas ng tinatawag na secretion of bile mula sa atay na umaakto rin bilang pampatibay ng liver enzymes at kabuuang kalusugan nito. Ayon sa mga eksperto, ang anumang suporta sa atay na siyang pangunahing detoxifying organ ay nakatutulong upang makaiwas sa banta ng blemishes sa matagal na panahon. Source: Bulgar.com.ph
Comments
Post a Comment