Skip to main content

Posts

Showing posts from June, 2013

Tips Para Sa May Putok Sa UNDERARMS ATBP.

Putok, Rashes, Ingrown Hair... iyan ang ilan sa mga bagay na nangyayari sa kili-kili na labis na kahiya-hiya. Kaya bago pa lumala 'yan. Ito ang ilang tips para masolb mo ang iyong problema sa underarms. Sobrang Pagpapawis Ng Kili-Kili Ang lahat ng tao ay pinagpapawisan kapag nainitan o nakaramdam ng nerbyos kung saan ang ilan ay mayroong suliranin na tinatawag na axillliary hyperhidrosis na siyang dahilan kung bakit labis ang pagpapawis ng kili-kili. Mainam na ikonsidera ang deodorant na kumokontrol sa amoy na siyang nagreresulta sa basang armpit. Makatutulong din ang pagpili ng damit na cotton, silk, at line na mas nakaka-absorb ng moisture sa katawan at nagpapaiwas sa body odor. Pamumula at Rashes Ang labis na init at extreme na temperatura kasabay pa ng paggamit ng maling deodorant at ingrown hair dahil sa pag-aahit ay ilan lang sa matinding dahilan kung bakit nagkaka-rashes at namumula ang bahaging ito ng katawan. Ang naturang balat sa kili-kili ay sensitibo n...

Tips Para Sa NORMAL HEARTBEAT

Isang malaking benepisyo para sa mga taong nagdaranas ng heart disease ang mga pagkaing kayang mag-regulate ng heartbeat. Dahil kung minsan ang heart rate ay tumataas bago pa man ang heart attack. Maaari mo ring maranasan ang pagtaas ng pulso dahil sa stress. Isa pang dahilan ang high blood pressure na sanhi rin ng pagbilis ng heartbeat. Ayon sa BoldSky, ito ang ilan sa mga pagkain para mag-normalize ang heartbeat. YOGURT Dahil sa ito ay mayaman sa vitamin B 12 ay kaya nitong gawing  normal ang pintig ng puso. Ang mga pagkain kasi na mayaman sa vitamin B 12 ay kayang mag-develop ng nerve cells, na siyang nagpapatibay sa ating nervous system para lumaban sa stress. SAGING Mayaman naman sa potassium ang prutas na ito, na siyang importanteng electrolyte para sa ugnayan ng puso at utak. Dahil diyan kaya ng saging na mag-regulate ng ating heartbeat. BAWANG Isa sa mga pagkain na mabuti sa kalusugan ng ating puso. Mayroon itong allicin na siyang nagpapahinto ng mga free...

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Sintomas Ng BRAIN CANCER

Marami sa atin ang pinagsasawalang bahala ang simpleng pananakit ng ulo. Kung minsan, huli na para malaman natin na isa na pala itong sintomas ng brain cancer. Lalo na kapag umabot na sa pinakamalalang bahagi nito ay saka lang tayo maaalarma. Doon sa puntong mahirap ng lunasan ay saka palang tayo humahanap ng lunas. Kaya bago mahuli ang lahat, maigi na maging alerto tayo sa ating nararamdaman. Ayon sa Mayo Clinic, ito ang ilan sa mga sintomas ng brain cancer o kanser sa utak. Tandaan na ang mga ito ay bumabatay sa laki, lokasyon at bilis ng paglaki: May pagbabago sa pattern ng pananakit ng ulo.  Pananakit ng ulo na nagiging madalas at unti-unting lumalala Nakakaranas ng nausea at pagsusuka sa 'di malamang kadahilanan Problema sa paningin tulad ng panlalabo ng mata, double vision at kawalan ng peripheral vision Unti-unting pamamanhid ng kamay at paa  Nawawalan ng balanse Nagkakaroon ng problema sa pagsasalita Pagbabago ng ikinikilos at personalidad Seizures, ...

Tips Para Makaiwas Sa HEPATITIS B

Ang virus na Hepatitis B ang siyang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng kanser sa atay at may posibilidad na magkakanser ang mga taong carrier ng Hepatitis B . Maaari ring sisihin ang labis na pag-inom ng alak, pagkain ng mani na mayaman sa aflatoxin at iba pang kemikal na nakaka-activate ng kanser. Pangalawa ang kanser sa atay sa pinakakaraniwang kanser sa kalalakihan na mas dumarami ang kaso nito kapag nasa edad 40 pataas. Narito ang ilang senyales na dapat bigyang pansin: Pananakit ng tiyan Pagbaba ng timbang Pagkawala ng gana sa pagkain Panghihina Bukol sa Tiyan o malaking atay Kapag na-detect ng maaga ang kanser sa atay, pwedeng gawin ang operasyon pero sa higit na nakararaming kaso, ang kanser sa atay ay kadalasang nasa advanced stage na kapag natuklasan. Para makaiwas sa posibilidad na pagkakaroon ng kanser sa atay, kailangan na magpabakuna laban sa HEPATITIS B at kailangan ng 3 vaccines para maging epektibo itong panlaban sa mikrobyong ito. Ku...

Pollution - Sanhi Ng AUTISM

Base sa pinakabagong pag-aaral na ang mga buntis na exposed sa mataas na level ng polusyon sa hangin ay mas lamang na magkaroon ng anak na may sakit na autism .Pinag-aralang mabuti ng mga researcher ang kondisyon ng mga buntis na naninirahan sa most polluted area at napatunayang 2 beses na malinaw ang pagkakaroon nila ng anak na positibo sa ASD o autism spectrum disorder kumpara sa mga lugar na hindi gaanong polluted ang hangin. Kaugnay ng pollution, ang air pollutants sa resulta ng autism ay dahil sa mga diesel fuel, lead at mercury na mas nakalalamang ang autism cases sa mga batang lalake kaysa sa babae. Hindi malinaw kung bakit ang mga heavy metal at iba pang kemikal na active sa air pollution ay nakakaapekto sa fetus ngunit sinasabi na mula ito sa traffic-related pollutants tulad ng diesel na siyang nag-i-induce ng inflammation sa utak ng tao at hayop. Bahagi rin ng pag-aaral ang pagpoproseso sa sukat ng metal at iba pang pollutant mula sa blood sample ng mga bunti...

Tips Para Sa May ANEMIA

Ang anemia ay isang karaniwang kondisyon at kadalasan ay hindi ito natutuklasan kung hindi pa grabe ang sintomas nito. Kapag sinabing anemic ang isang tao , ito ay maputla, madaling mapagod at madaling kapusin ng hininga. Ang anemia ay dahil sa kakulangan ng RBC ( RED BLOOD CELL) sa dugo. Itong RBC ang tagapagdala ng oxygen mula sa baga papunta sa lahat ng bahagi ng katawan dahil sa loob nitong RBC ay may hemoglobin  at dito nakasakay ang oxygen. Kaya kung anemic ang isang tao, ibig sabihin ay kakaunti lamang ang oxygen na nai-dedeliver sa mga tissue ng katawan. Ito naman ang mga pangunahing sintomas ng ANEMIA Maaaring kulang ang bitamina (iron, vitamin B12 at folic acid) para sa pagbuo ng hemoglobin at RBC. Ito ay posibleng sa kakulangan ng mga nabanggit na bitamina sa ating diet o kaya naman ay nasa diet man natin ito subalit, walang kakayahang i-absorb pa ito dahil mataas din ang demand ng katawan para rito lalo na sa panahon ng pagbubuntis.  Kapag nagdu...

Menopausal Stage Sa Mga Babae Pwede Nang Mapigilan

Maraming bagay sa mundo ang hindi kayang iwasan ng tao lalo na ng mga kababaihan tulad na lang ng panganganak o pagkakaroon ng buwanang dalaw. Kahit na magpakalalaki pa sila ay tuloy tuloy pa rin nilang mararanasan ito. Isa pang pangyayari na nagaganap sa mga kababaihan lalo na sa mga nagkaka-edad na ay ang pagme-menopause nila. Subalit, lumalabas ngayon sa pag-aaral ng mga eksperto na maaari nang matigil ang menopausal stage sa mga kababaihan. Ayon sa ginawang pag-aaral, ang mga kababaihan ay magagawa nang mapigil ang pagkakaroon ng menopause nang sa ganun ay maaari pa silang magka-anak kahit hindi na sila ganun kabata. Ito ay sa pamamagitan ng mas maayos na medical treatment na ginagamit sa mga may edad ng pasyente. Ayon sa scientist at writer na si Aarathi Prasad, ipinaliwanag niya na walang ibang hayop na naninirahan sa mundo ang humihinto sa pagbibigay ng supling kaya naisip nilang pag-aralan ang paraan upang ang mga tao ( highest form of animal) ay mapigil din ang kan...

Pamahiin Sa Kasal Sa Ibang Bansa (Wedding Superstition)

Hindi lang ang mga Pinoy ang naniniwala sa pamahiin ng kasal . Syempre may iba't ibang paniniwala o pamahiing sinusunod ang mga dayuhan. Heto ang ilan: Ang paglalagay ng bride ng sugar cube sa kanyang gloves ay magdadala ng tamis sa kanilang relasyon, ayon sa Greek Culture. Sa England naman, pinaniniwalaan na kung makakakita ng gagamba ang bride sa kanyang pangkasal, siya ay suswertihin. Binubuhat ng groom ang kanyang bride pagpasok sa kanilang bahay para protektahan ito sa mga evil spirit. Pinag-aaralan ng mga ancient Roman ang bituka ng baboy para malaman kung kailan ang pinaka-maswerteng araw para maikasal. Para swertihin, ang mga babae sa Egypt ay kinukurot ang bride sa araw ng kanyang kasal. Ang mga bride mula sa Middle East ay naglalagay ng henna sa kanilang mga kamay para maprotektahan sila mula sa evil eye. Nagmi-milk bath ang mga  Moroccan woman para maging dalisay sila bago ang seremonya sa kasal. Itinatanim sa labas ng bahay ng bagong kasal ang isang pine ...

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Salmon Egg Spinach Brocolli Etc : Mga Pagkaing Healthy Ayon Sa Edad

Ang nutrisyong kinakailangan ng isang tao ay nakadepende sa kanyang edad kung saan ang  ilang ispesipikong pagkain ay nararapat konsumuhin para mas mapaigting pa ang pisikal at mental na kalusugan ng isang indibidwal na ilan sa halimbawa ay kinabibilangan ng mga sumusunod: Salmon Para sa edad 20 hanggang 29. Ayon sa mga eksperto, ang regular na pagkonsumo ng salmon ay mainam sa mga taong nasa edad 20 hanggang 29 kung saan nakakapagpaiwas sa banta ng depresyon, na kondisyong dalawang beses na malapit sa mga babae kesa sa mga lalaki. Ang depresyon ay maaaring ma-develop sa gulang na 15 hanggang 34. Ang salmon ay mayaman sa Omega 3 fatty acids na mainam sa pagpapaganda ng mood mula sa pagpapataas ng level ng tinatawag na feel good serotonin. Sa ganitong edad nararanasan ang mas madalas na pagka-busy at hindi pagkasingit ng pagluluto kung saan huwag kalimutan ang naturang pagkain isang beses sa isang linggo. Mainam din itong ihalo sa salad o low fat mayo para sa mas masarap na s...

Nasal Septal Deviation - Babala Sa Madalas Magkasipon

Madalas ka bang magkaroon ng sipon na nagdudulot ng pagkabarado ng iyong ilong? Kung ito ang iyong nararanasan ay baka hindi lang isang allergy ito. Maaaring ikaw ay mayroong Nasal Septal Deviation ( paling ang cartilage na nagsisilbing partisyon ng butas ng iyong ilong). Ang mga taong mayroon nito ay madalas na sinisipon dahil sa allergy. Dahil dito, ang turbinates natin sa kaloob-looban ng ilong ay namamaga o lumalaki. Ang turbinates ay 'yung parang laman na mapula na nasisilip natin sa loob ng ilong. Kapag naging " moderate to severe" na ang pagbabarang dulot nito, makabubuting maoperahan na para maisaayos ito. Kung talagang nahihirapan ka na, ipakita ito sa isang ENT o sa isang head and neck surgeon. Pansamantala, pwede kang uminom ng mga tabletang decongestant at anti-allergy o nasal drops para lumuwag ang iyong paghinga. Mula sa pahayagang Bulgar; Sabi Ni Doc- Shane Ludovide M.D

Tulong Ng BreastFeeding Sa Mga Nanay

Mainam at malaking tulong sa mga nanay na magawang magpasuso sa kanilang mga anak dahil bukod sa makamemenos sa gastos sa pagbili ng mga baby formula ay subok nang makukuha ng mga ito ang sustansya na kanilang kailangan.  Nariyan ang malaking kaibahan o epekto ng natural na pagpapadede kaysa sa pagpapainom sa mga bata ng mga improved milk mula sa mga alagang hayop tulad ng baka. Bukod sa napakaraming nutrisyon at bitamina na makukuha sa gatas ng ina ay nakasisiguro tayong ligtas at malinis ito dahil sa produkto ito mismo sa katawan ng mga nanay.  Kumpara sa mga gatas na nangagaling sa mga hayop ay hindi natin alam kung anu-ano ang mga prosesong pinagdaanan at maging ang iba pang ingredients ang isinasama rito para magkaroon ng magandang epekto sa mabilis na paglaki ng sanggol. Kaya naman kahit moderno na ang panahon ay marami pa rin ang naniniwala sa kainaman ng gatas na direktang ibibigay ng nanay sa kanyang anak dahil alam nating produkto ito ng kung anong ki...

Bakit June 12 Ang Independence Day Sa Pinas?

Bakit June 12 ang napiling maging selebrasyon ng Philippine Independence Day? Kung iyong mapapansin, dalawa ang petsa sa araw ng ating kasarinlan, June 12 at July 4. Kung iisipin nating mabuti, hindi naman tayo tuluyang naging malaya matapos ideklera ni Aguinaldo ang ating pagiging independent. Bagkus, naging isang malayang bansa tayo noong July 4, 1946. Maaaring mapapaisip ka nga kung bakit pero base sa Presidental Proclamation No. 28 na idineklara ni President Diosdado Macapagal, mas magiging makabuluhan ang ating pagdiriwang ng kasarinlan ng ating Inang Bayan kung ito ay ililipat sa June 12 dahil masasalamin dito ang mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino at ang pakikipaglaban na kanilang hinarap makamit lamang ang hinahangad na kalayaan. Mas maisasapuso nga naman ng mga kabataan ang mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa ating bayan. Subalit, mayroon namang ilang nagsasabi na mali ito dahil paano naman daw ang mga nagbuwis ng buhay sa mga kamay ng Amerikano...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Heat Press Tshirt Printing: Patok Na Negosyo Sa Pinas

Isa sa mga patok na negosyo ngayon sa Pilipinas ang Heat Press Tshirt Printing . Lalo na sa panahon ng kampanya, fiesta, reunion o kahit ano pang okasyon. Madalas kasing ginagawang souvenir ang Tshirt kaya kung nais mong mag-negosyo, bakit hindi ito ang subukan mo. Sa pagsisimula ng negosyong Heat Press Printing ay hindi mo na kinakailangan pa ng malaking puhunan, hindi na rin kinakailangan na mag-hire ka pa ng artist o empleyado dahil ikaw mismo kayang-kaya mong gawin ito. Ito ang mga gamit na kailangan mo sa heat press printing business: Heat Press Machine - Para sa mura at may kalidad na heat press machine pwede kang tumungo sa Ojon Mall sa Doroteo Jose. Doon ay maraming mga stall na nagbebenta ng machine na ito. Rekomendado ko ang Fengreco Shop. Maganda ang quality at mura ang supply nila ng ganitong makina. Puhunan: 8,500 pesos. Transfer Paper - Isa sa tradisyonal na paraan sa heat press ang paggamit ng transfer paper. Ito ang papel na isasalang mo sa printer at id...