-->
Maraming tao ang nagkakaroon ng tsansa na mapakain ng marami ng higit sa pangkaraniwang kinokonsumo sa pagkatuwa minsan sa rami ng nakahaing pagkain sa mesa na nauuwi sa pagsakit ng tiyan.
Gayunman isang eksperto ang nagmalasakit at nagbigay ng hakbang upang maiwasan ang pagkabundat na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Gayunman isang eksperto ang nagmalasakit at nagbigay ng hakbang upang maiwasan ang pagkabundat na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Uminom ng tubig. Mas mainam na piliin ang may bahagyang init ng tubig sa halip na lumagok ng malamig na soda at mainam ding limitahan ang sarili sa pag-inom ng juice. Ang tubig ang pinakamainam na sandata upang mailabas sa katawan ang anumang pagkain. Makakatulong din ang tsaa para sa detoxifying.
- Maglakad-lakad. Ang dahan-dahan ngunit tamang distansya ng paglalakad ay makakatulong upang pagpawisan o maibsan ang kung anumang hindi magandang mararamdaman sa katawan. Hindi kinakailangan ng matinding ehersisyo, sa halip ay i-enjoy ang paglalakad na hindi namamalayang makatutulong ito laban sa banta ng pagkabundat.
- Kumain ng prutas at gulay. Matapos kumain ng sobra-sobra, huwag na itong sundan ng makakarne, matataba, matataba, maaalat at matatamis na pagkain, sa halip, mainam na kumonsumo ng sariwang prutas at fiber-rich produce sa halip na sitsirya. Mahusay sa tyan ang pinya, papaya, at saging, at asparagus.
- Magpahinga. Ang sapat na haba ng tulog at regular na pagkakaroon ng tamang pahinga ay mahusay para mapanatiling maayos ang kondisyon at pagkilos ng katawan sa kabuuan. Mabibigyan ng pabor ang metabolismo mula sa naturang pahinga.
source: Bulgar.com.ph
Comments
Post a Comment