Madalas ba ang pananakit ng iyong ulo o nakakaranas ng migraine. Hindi ka naman nag-iisa sapagkat marami sa atin ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon Ilan sa mga maaaring sanhi ng pananakit ng ulo ang sinusitis, pagod o stress, pati na ang mental tension. Pero alam ninyo bang may ilang pagkain o uri ng diet din na pwedeng maging sanhi nito?
Isa sa mga ikinokonsidera na sanhi ng migraine o headache ay ang biglang pagbabago sa diyeta lalo't kung ito ay mababa sa carbo - sa madaling sabi, ito ay kung tawagin ay crash dieting. Sapagkat ang carbohydrate ang siyang ating fuel para sa ating utak. Pwede ring maging sanhi ng sakit ng ulo ang low blood sugar level. Kaya't 'yung labis na pagpapaliban na kumaen sa tamang oras o pati na 'yung pakunti-kunting pag-inom ng tubig ay maaaring maging sanhi rin ng migraine o pananakit ng ulo.
Mga alcoholic drink. Sanhi din ito ng sakit ng ulo sapagkat ang mga alcohol ay naglalaman ng mga kemikal na siyang nagpapababa sa ating Serotonin ( Ang Happy Hormone.) na sapat na para mag-umpisa na ang pananakit ng ulo. Kaya't kung nais mong umiwas sa headache o migraine, ay hinay-hinay lang sa pag-inom ng alak.
Tsokolate. Mayroon itong tyramine, isang uri ng amino acid na pinananiniwalang trigger sa pananakit ng ulo.
Kape. Ang pansamantalang paghinto sa pag-inom ng kape lalo't doon sa mga sanay ng uminom nito para makapag-relax o unwind ay isa ring trigger sa pagkakaroon ng migraine. Nangyayari ito madalas sa taong sensitibo sa caffeine.
Kaya ikaw, kung palaging madalas sumasakit ang iyong ulo ay inirerekomenda na kumonsulta ka sa iyong doktor upang matiyak kung ito'y may kinalaman sa mga pagkaing iyong kinakain o paraan ng pagdyedyeta.
source: medicmagic.net

Comments
Post a Comment