Skip to main content

Mga Pagkaing Lunas Sa NAUSEA


Mahirap din ang pagkakaroon ng NAUSEA. Madalas kang makaramdam na para bang ikaw ay nasusuka kapag nakakakita ka ng pagkain. Iyan tuloy ang dahilan kung minsan kaya wala kang gana sa pagkain. Hindi naman magandang umiwas na lang sa pagkain sa tuwing makakaramdam ng ganito dahil makakaapekto naman ito ng labis sa iyong kalusugan.

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng Nausea. Pwedeng sanhi ito ng gastritis, acidity, pagdadalang-tao o pananakit ng tiyan.

Kapag ikaw ay dumaranas ng Nausea ay parang laging gusto mong sumuka na lang pagkatapos mong kumain. Kung ikaw ay nakararamdam nito ay dapat na maging mapili ka sa iyong mga kinakain.

Ito ang mga pagkaing pwedeng makatulong sa'yo upang mawala o lunasan ang iyong nausea.

Mansanas. Ang prutas na ito ay mayaman sa fiber na siyang lunas sa nausea. Masustansya ang prutas na ito at hindi nakakasira ng tiyan.

Luya. Kung nakakaramdamam ka ng pagsusuka, maigi ang pag-ngata ng luya. Mayroon kasi itong aroma at lasa na makakapagpa-hupa sa nararamdaman mong nausea.

Nuts. Ang kakulangan sa protina ay maaaring magdulot ng nausea. Kaya maigi ang pagkain ng almonds at peanuts para makadagdag sa enerhiya at upang mapaigi ang iyong kondisyon.

Cracker. Nakaka-absorb naman ng stomach acid at nakakagamot sa nausea ang mga starch mula sa pagkain ng biscuit at tinapay.

Saging. Dahil sa nakakapanghina ng pakiramdaman ang nausea, maigi ang pagkain ng saging dahil isa ito sa mga prutas na isang instant energy booster.

Fruit Juice. Gawing juice ang iyong mga paboritong prutas, dahil ang mga ito ay kilalang lunas din sa nausea.

Tubig. At panghuli, uminom ng tubig. Dahan-dahan lamang at huwag biglain ang pag-inom. Makakatulong ang tubig upang mawala ang pananakit ng ulo na dulot ng Nausea.

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...