Graduate ka na, at isa sa mga haharapin mo ay ang pagharap sa iyong first job interview. Itaga mo sa bato na maihahalintulad mo ito sa takot mong magpabunot ng ngipin sa isang dentista. Ito ang pwedeng maging pinaka-worst nightmare mo pero ito din naman ang maituturing mong one of the biggest accomplishments ng buhay mo kapag nakapasa ka. Huwag kang mag-alala, ito ang ilang mga tips for the graduates para hindi kabahan sa iyong kauna-unahang job interview. Ilang mga proven techniques na maaari mong magamit. Choose for a Morning Interview. Mas maaga, mas kaunti ang nerbyos. Subukan mong sa hapon o gabi ang interview, tiyak ko sa'yong sasakit ang tiyan mo sa maghapon sa kaka-isip kung papasa ka ba o hindi. Kaya maiging piliin ang umaga para saglit na pasanin na lang ito sa'yo. Makapasa, salamat. Bumagsak man, at least panandalian mo lang naramdaman ang tensyon. Use all of your stock knowledge. Lahat ng mga natutunan sa iyong mga adviser, lahat ng mga napag-aral...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc