Skip to main content

Tips For The Graduates: Kung Paanong Hindi Kabahan Sa Job Interview


Graduate ka na, at isa sa mga haharapin mo ay ang pagharap sa iyong first job interview. Itaga mo sa bato na maihahalintulad mo ito sa takot mong magpabunot ng ngipin sa isang dentista. Ito ang pwedeng maging pinaka-worst nightmare mo pero ito din naman ang maituturing mong one of the biggest accomplishments ng buhay mo kapag nakapasa ka. 

Huwag kang mag-alala, ito ang ilang mga tips for the graduates para hindi kabahan sa iyong kauna-unahang job interview. Ilang mga proven techniques na maaari mong magamit.

Choose for a Morning Interview. Mas maaga, mas kaunti ang nerbyos. Subukan mong sa hapon o gabi ang interview, tiyak ko sa'yong sasakit ang tiyan mo sa maghapon sa kaka-isip kung papasa ka ba o hindi. Kaya maiging piliin ang umaga para saglit na pasanin na lang ito sa'yo. Makapasa, salamat. Bumagsak man, at least panandalian mo lang naramdaman ang tensyon. 

Use all of your stock knowledge. Lahat ng mga natutunan sa iyong mga adviser, lahat ng mga napag-aralan mo sa workshop. Practice makes things perfect, pero maiging wag mong kabisaduhin ang mga sasabihin mo dahil mas maraming kinabisa mas maraming puna sa interviewer. Mas totoo ang mga sasabihin, mas ramdam ng kausap na sincere ka para makuha mo ang inaasam na dream job.

Pag-aralan mo ang isinulat mo sa resume. Ang resume mo ang nagdala sa iyo sa interview. Doon pa lang, achievement mo na 'yun. Sapagkat ibig sabihin nun ay mayroon sa resume mo na na-hook ang H.R o Recruitment team na papuntahin ka para sa iyong first job interview. So it's time to shine, mas totoo ang resume, mas totoo ang mga tanong ng interviewer at mas totoo at di paligoy-ligoy ang magiging sagot mo. Huwag kang mag-inarte sa resume mo,'wag maglagay ng ito ang typing speed mo pero hindi naman, na character reference mo ay isang senador pero hindi naman. Be yourself, be truthful with your C.V. Para sa paraang ganito, wala kang takot, wala kang kabang kaya mong panindigan ang mga naisulat mo sa resume mo.

Call a friend. Isa sila sa pinaka-da best na makakatulong sa iyo,  lalo't 'yung mga kaibigan na kayang magsabi sa'yo ng anong dapat mong gawin at ang mga hindi dapat gawin. 'Yung may oras sa iyo para praktisin ka at ihanda ka sa malaking tsansang kapag naipasa mo ay isang ginhawang pakiramdam na masabi mong sa wakas, may trabaho na ako. 

Relaxation Techniques. Para maialis ang bahagyang stress na nararamdaman ay gawin ang ilan sa mga relaxation techniques na ito; maligo ng maligamgam na tubig sa gabi, mag-gym o mag- cardio exercise at kumain naman ng isang masarap na almusal sa umaga. Mag-isip ng magagandang bagay na nangyari 'nung college ka pa. Isipin ang mga ilang bahagi ng buhay mong tulad sa isang job interview ay kinabahan ka rin pero nalagpasan mo at na-achieve mo ang iyong gusto. Na kaya mo, na kahit hindi ikaw ang pinakamagaling ay kaya mong patunayan sa kanilang may kakayahan ka. 

Ilan lamang 'yan sa mga tips para di ka kabahan, ma-tense, ,ma-stress o kainin ng mga paro-paro ang sikmura mo sa takot. First job interview mo lang 'yan. Kaya relax, para lang 'yang kagat ng langgam na sa una lang masakit, magpapantal sa balat ang kagat pero huhupa din. Hindi naman mga halimaw ang kakaharapin mo kundi mga tao din. Hindi ka naman papasok sa isang haunted house kasama ng mga paranormal expert. Iinterbyuhin ka lang, parang sasali ka lang sa isang beauty contest na kaya ka nakapasa sa elimination round ay dahil maganda ka. Ganun din sa job interview, maganda ang resume mo kaya ka tinawagan, may edge ka, may kakayahan ka, kaya ang job interview ay isa lamang daan para mapatunayan mong hindi lang nasusulat sa dalawang piraso ng CV ang skills mo, kundi nariyan, inborn sa'yo o kung hindi man inborn ay na-acquire mo sa ilang taong pag-aaral mo mula kinder hanggang gumradweyt sa kolehiyo. Good luck, kaya mo yan and congrats.

source of some info: targetjobs.co.uk

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...