Skip to main content

Mga Dapat Gawin Bago Ang Graduation Day


Oras na naman para sa isang bagong yugto ng buhay ng isang estudyante. Maglalakad na sa entablado, kakamayan na ng adviser at principal, sasabitan na ng sampagita ni mama at papa with selfie pick pa habang hawak ang diploma, kahit pa walang medalya ay sapat nang sa wakas Graduate na!


Ito na ata ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ng isang estudyante, pero sa kabilang banda ito rin ang isa sa pinakamalungkot dahil marami ng mababago sa buhay niya, at kasama na roon ay ang maiwan niya na ang mga nakasanayan niyang gawin sa isang klase kasama ng mga kaibigan at kaklase.

Pero bago natin pag-usapan ang graduation ay ituon muna natin ang pansin sa mga bagay na dapat nating gawin bago ang araw na ito ng pagtatapos. Ito ang ilan sa mga ito:


  1. Magsorry sa mga kagalit na kaklase o sa mga nakatampuhan. Kahit ano pang sama ng ginawa sa'yo ay may hatid itong ginhawa dahil mas magaan sa loob na tunguhin ang isang bagong landas ng wala kang bitbit na sama ng loob sa nakaraan.
  2. Aminin mo na sa harap ng kaklase mong crush mo siya. Kung may itinatago kang pagtingin sa kaibigan mo o kaklase sa loob ng apat na taon mo sa hayskul, ito na siguro ang tamang panahon para sa isang great revelation. Walang mawawala kung susubukan mo, kaysa magkaroon ka ng regrets na baka bukas makalawa 'yung chance mo pala na baka gusto ka rin ay mag-dissappear na parang bula.
  3. Say Thank You Ma'am , Sir. Kahit sa pinaka-terror mo pa sabihin 'yan, ay hindi mo maiaalis ang katotohanang sa kanila ka natuto ng maraming teorya, mathematics problem solving, grammar and punctuation, kung sino si Sisa, kung bakit siya nabaliw at bakit niya hinanap ang mga anak niya. Sila, sina ma'am at sir ang siyang nagbitbit sa'yo sa entablado kaya't wag mo silang kaligtaang pasalamatan.
  4. Bonding with friends. Mahalagang bagay na dapat gawin bago ang graduation day ay ang manood ng sine kasama ng mga kaklase at mga kaibigan, mag-video marathon sa bahay, magpa-print ng mga selfie pics, at kung anu-ano pa, pero siguraduhin lang na hindi nag-cutting class dahil baka maudlot pa ang pagsuot mo ng toga.
  5. At last but not the least, kainin lahat ng mga ginugusto mong kainin sa kanteen kasama ng mga kaklase at kaibigan. Ito ang ilan sa mga pagkaing alam mong kapag nakatapak ka na sa entablado para sa iyong graduation day ay tiyak na ma-miss ng appetite mo. Hindi mo na makakain pa ang mga ito. Hindi man ito ang pinakamasarap na pagkain sa mundo, pero sa canteen ng skul nakahain ang pagkaing salo-salo ninyong kinain ng iyong mga kaibigan sa eskwela.
Graduate ka na! Are you ready to face the new challenge? Sigurado 'yan, kung nagawa mo ang mga bagay na dapat mong gawin bago mag-graduation. Para sa isang closure o para maging ok man ang new beginning, anuman ang rason mo, isa lang ang sigurado ko na kapag nagawa mo ang mga bagay na ito bago ang graduation ay magiging maluwag sa dibdib mo ang pag-iwan sa dating lugar na iyong nakasanayan ng walang halong kahit anong pagsisisi. 

source of info: bulgar.com.ph

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...