Parang matagal tagal pa ata bago tayo maka-recover sa pandemyang ito. Marami na rin sa atin ang nawalan ng trabaho o nalugi ang negosyo. Ang iba ay umaasang mabigyan ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman ay dumidiskarte para kumita pa rin kahit papaano. Ngayong may pandemya, limited lang ang galaw natin sa labas kaya't hangga't maaari ang iba ay naghahanap ng mga pwedeng pagkakitaan kahit nasa bahay lang. Ito ang mga sa tingin ko ay pwede mong pagkakitaan kahit may pandemya. 1. Magtayo ng maliit na tindahan o sari-sari store. Ginawa ito ng mother ko kasi bilang real estate agent ay naging madalang ang mga inquiry niya sa pabahay at lupa. Di rin ganun kadali ang magpa- free house viewing. Kaya imbes na masayang ang panahon, sa puhunan na 3K-5K nagsimula si mama ng maliit na tindahan sa aming front yard. Maliit ang pa piso-pisong kita pero kung araw-araw naman na may bumibili ay tiyak na maiipon din ang kita. 2. At kung may maliit kang tindahan, hindi lang naman...
Health.Money.Love.Lifestyle.Etc