Skip to main content

Mga Pwedeng Pagkakitaan Ngayong May Pandemya


Parang matagal tagal pa ata bago tayo maka-recover sa pandemyang ito. Marami na rin sa atin ang nawalan ng trabaho o nalugi ang negosyo. Ang iba ay umaasang mabigyan ng ayuda mula sa gobyerno. Ang iba naman ay dumidiskarte para kumita pa rin kahit papaano. 

Ngayong may pandemya, limited lang ang galaw natin sa labas kaya't hangga't maaari ang iba ay naghahanap ng mga pwedeng pagkakitaan kahit nasa bahay lang. 

Ito ang mga sa tingin ko ay pwede mong pagkakitaan kahit may pandemya. 

1. Magtayo ng maliit na tindahan o sari-sari store. Ginawa ito ng mother ko kasi bilang real estate agent ay naging madalang ang mga inquiry niya sa pabahay at lupa. Di rin ganun kadali ang magpa- free house viewing. Kaya imbes na masayang ang panahon, sa puhunan na 3K-5K nagsimula si mama ng maliit na tindahan sa aming front yard. Maliit ang pa piso-pisong kita pero kung araw-araw naman na may bumibili ay tiyak na maiipon din ang kita. 

2. At kung may maliit kang tindahan, hindi lang naman goods ang pwede mong ibenta pati mga services. Gaya ni mama, tumatanggap siya ng cash in at cash out sa kanyang gcash account mula sa customer. Tinutubuan niya lang ng 5 to 10 pesos kada transaction. Madami ang nagpapa-gcash ngayon kaya dagdag kita talaga. 

3.At kung may tindahan ka na nga, samantalahin mo na ring mag-offer ng eloading business. Mag-sign up ka lang sa gcash, paymaya o coins para makapagbenta ka nito. 

4.Samantala ako naman ay tuloy-tuloy pa rin sa pagtuturo online. Napaka-bless ko kasi biniyayaan ako ni Lord ng trabaho na sa bahay lang for 6 years na. Bago pa magpandemya, trabaho ko na ito. At lalong lumakas ang kitaan ko dito simula nung 2020 kasi ang mga students ko ay from China. Nag lock down sila dun ng higit dalawang buwan kaya lahat ng mga bata nasa bahay lang nag-aaral. Pero hindi pa naman huli para sa iyo na subukan din ang pagtuturo online. Maraming pwedeng aplayan gaya ng sa company namen na 51Talk. Klik mo dito para makapag-apply ka.

5.Kung medyo shy type ka naman at walang passion sa pagtuturo. Wag ka mag-alala, marami pa namang freelance job ang pwede mong subukan basta maalam ka sa computer. Pwede kang mag-offer ng photo and video editing, writing services, translation, voice over, at iba pa. Punta ka sa mga freelance website gaya ng fiverr. 

6.Nauuso rin ngayon ang online live selling sa facebook, lazada at shoppee. Kung magaling ka sa benta-benta para sa iyo ito. Pwede kang magbenta ng damit, sapatos, pabango, laruan at iba pa. Ang kailangan mo lang ay bumuo ng isang fanpage at palakihin ang followers mo. 

7.Sa mga may talent at may ganda naman tayo. Maraming mga live stream app ang pwede kang kumita ng pera. Kung babae ka at maganda tas talented pa, grab mo ito kasi wala kang ibang gagawin kundi ang i-entertain ang mga viewers mo at bibigyan ka nila ng gifts. Itong mga virtual gifts na ito ay convertible to cash. Bakit nirerekomenda ko ito sa mga babae na maganda? Kasi aminin na nating mga pangit, na para sa kanila talaga ang trabaho na ito. Maraming mga kalalakihan ang handang maglabas ng pera para lang mapasaya ang babaeng live streamer. Actually, pwede naman ito para sa lahat. Sa katotohanan nga ay na-hire ako dati ng isang live app para magpatawa. Sinuswelduhan nila ako ng 10K per month pero dahil maliit lang ang gifts na napapasok ko sa app, ay tinapos nila ang kontrata ko after almost 6 months din. 

Ito ang mga alam kong pwede mong pagkakitaan ngayong may pandemya. Wag kang malungkot kung nawalan ka man ng trabaho o negosyo kasi tiyak naman na kahit hindi maganda ang dating ng taong 2020 at 2021 ay sigurado pa rin namang hindi tayo mawawalan ng pwedeng pagkakitaan. Tamang diskarte lang , tyaga at tiwala kay Lord. Makakaahon din tayo. 

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...