Talagang on the way na ang pag-usbong ng PPOP music para buhayin ang music industry dito sa Pilipinas. Sa pagtaas ng demand para sa pagkakaroon ng sarili nating Pop Groups tulad ng mga KPOP goup sa Korea, ay sya ring pag-usbong ng mga talentadong PPOP groups sa bansa na sinimulang pausuhin ng grupong SB19.
At ngayong nga, isa na namang PPOP group ang kinahuhumalingan ngayon ng mga music lovers. But this time, all female PPOP group naman na pinangalanang BINI.
Ang BINI PPOP group ay mina-manage ng ABS-CBN Talent Management. Which I think, ay malaking advantage ng group na ito na mai-market ng kanilang talent sa singing and dancing. Knowing ABS-CBN, lahat halos ng Big stars sa Pilipinas, sila ang nagbigay pangalan. Hopefully, this is really the start of the rise ng PPOP sa bansa.
I'm nothing against mga birit queens. I like birit songs too. Kaya lang syempre, kailangan din nating makipagsabayan sa kung ano ang uso ngayon sa mainstream. While many people are against having our very own PPOP groups kasi nga gaya-gaya lang daw tayo sa KPOP ay hindi pwedeng maging hadlang ito para pausuhin din natin ang sariling atin. Knowing Filipinos, na mahusay talaga sa larangan ng pagkanta.
We are "Born to Win" ika nga ng debut song ng bagong PPOP group na BINI na kinabibilangan nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhonna and Sheena. We have our own version of music na malayo sa KPOP at for me, pinatunayan ito ng BINI similar to what I felt when SB19 Go Up got its own fame.
When I watched the Born To Win MV several times, sabi ko, this is it. May laban ang Pinays! Also the people behind the production. They made a world-class MV that has our identity. Not mimicking KPOP, it has its own brand at the production itself ma fe-feel mo na hindi tinipid. I guess, ABS-CBN is a game-changer here and hopefully it continues to discover more PPOP groups.
Currently no 21 in Trending ang Born to Win ng BINI. Not bad for a new female PPOP group na talaga namang Born to Win sa music industry.
Comments
Post a Comment