Skip to main content

Tips Para Maging Happy Si Mommy



Ang maging isang mommy ay isa sa pinaka-mahirap na tungkulin. Sila ang ilaw ng tahanan na mas nakakasama ng anak sa paggabay at pagkatuto sa buhay. Ang mga ina rin ang kadalasang naiiwan sa bahay upang mag-asikaso ng mga gawaing bahay at trabaho pa sa labas.

Iba-iba rin ang pag-uugali ng mga ina at ang kanilang mga kinahihiligan. May mga mommy na sport-minded o aktibo sa komunidad. Mayroon din namang mommy na bossy at ang iba ay malumanay lamang na gumagawa ng tungkulin sa bahay.

Bawat ina man ay may pagkakaiba at may kanya-kanyang gusto ay dumadating rin ang pagkakataon na pare-pareho din silang nakararamdam ng pagod at stress. Bilang anak ay tungkulin mo na sila ay pasiyahin. 

Ito ang ilan sa tips kung paano magiging happy ang mommy mo:

Give them attention. Walang sinumang ina ang gusto pang maulit ang mga bagay na naghahatid sa kanya ng problema. Kapag may problema siya at gusting magsalita sa iyo ay making kang mabuti at bigyan siya ng pansin. Sikapin mong mapakingan siya hanggang sa mailabas niya ang lahat at maging masaya siyang muli.

Help them in the household chores. Tulungan siya sa mga gawaing bahay nang hindi ka inutusan o pinaalalahanan. Ayusin at iligpit ang higaan pagkagising, linisin ang mga kalat, tulungan siyang magluto, linisin ang banyo, hugasan ang  maruruming plato etc. Huwag nang hintayin na utusan ka pa. Anuman ang ginagawa, ikaw na ang magkusa sa lahat ng bagay.

Give her a special gift. Bilhan siya ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya kahit iyung mura lang. Tulad halimbawa, kung siya ay mahilig magluto ay regaluhan siya ng gamit na magagamit niya para rito. Maglaan ng kaunting halaga para sa ganitong bagay para mapasaya siya. Kung minsan ang iyong pagsisikap na magawa iyan ang siyang mahalaga sa kanya.

Give her a day-off. Bigyan siya ng pahinga kahit isang araw sa isang lingo ay puwede na, huwag nang hintayin pa ang Mother’s Day o birthday niya. Pumili ng araw na ikaw na ang siyang gagawa tulad ng paglalaba, pamamalantsa, pagluluto, at pagsundo ng mga kapatid sa eskuwela.

Be a good son and daughter. Dapat lagi mong pinatatawa si nanay. Pigilan ang sariling makipagtalo sa kanya. Ang isang araw na walang argument o pagtatalo ang siya nang pinakamasayang araw para sa isang pagod na ina.

Treat your mom. Ilibre mo si mommy sa gusto niyang restoran, isama siya sa isang shopping at itanong sa kanya ang gusto niyang bilhing damit at sapatos.

Talk to her. Makipagkwentuhan kay mommy. Ang nanay pa naman ay makwento at matsika, kaya anuman ang gusto niyang mga ilabas na tsika ay hayaan siyang magkwento at sabay ninyong tawanan anuman ang kanyang mga karanasan sa araw-araw.

Ikaw? Nais mo bang maging happy si mommy? Gawin mo na ang mga ito para sa kanya.
Source: Bulgar credits to: Icee Reen Labareno


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...