1. Avocado. Ang prutas na ito ay malusog na nagdudulot ng monounsaturated fats (na matatagpuan din sa olive oil), na ikinakabit sa pagpapababa sa level ng LDL cholesterol at pagabawas ng timbang. Sa katunayan, lumabas sa pag-aaral na ang healthy-fat Mediterranean diet ay higit na epektibo kaysa sa diet na labis-labis na umiiwas sa fats sa kabuuan kaya hindi dapat ipag-alala ang pagkonsumo nito. Maliban sa calories, taglay din naman ng avocado ang fiber at protina.
2. Itlog. Ayon sa isang pag-aaral, natagpuan na ang mga taong nagpapataas ng percentage ng kanilang protein based calories sa sariling diet ay higit na nakasusunog ng hanggang 71 calories sa bawat araw (7.4 pounds kada taon).
Mainam kung sisimulang ikondisyon ang metabolismo mula sa pagbangon sa higaan sa tulong ng protein-rich breakfast na scrambled eggs. Ang scrambled eggs ay itinuturing na mahusay na diet-weight loss secrets.
3. Suha. Ang suha ay mainam na kabahagi ng regular meal ng isang tao kung saan napabibilis nito ang pagbabawas ng timbang ng indibidwal.Ang fruits acidity ay nakapagpapabagal sa digestion na ang ibig sabihin ay mas matagal itong nakararating sa patutunguhang sistema ng katawan na magbubunsod sa pagkaramdam ng pagkabusog sa matagal na oras. Ang vitamin C na naibibigay ng suha ay kumikilos upang mapabagal ang cholesterol sa katawan.
4. Green tea. Ang catechins, makapangyarihang antioxidants na matatagpuan sa green tea ay kilala sa pagpapabilis ng metabolismo. Ayon sa isang pag-aaral, nabatid na ang mga taong madalas kumonsumo ng catechins mula sa green tea sa araw-araw ay tinatayang nakapagpapababa ng body mass indexes at nakapagpapaliit ng sukat ng kanilang baywang kaysa sa iba. Ligtas na sabihin na ang green tea ay ang pinakamainam na inumin para sa kalusugan ng isang tao.
Narito pa ang ilan sa mga pagkaing pampa-flat ng tiyan.
Narito pa ang ilan sa mga pagkaing pampa-flat ng tiyan.
- No Problem (Bulgar) ni Ms. Myra
if nagmamadali kang pumayat, i highly recommend crash diets.
ReplyDelete