NEW! 2/25/2018 - Day 1 ng aking Fitness Journey. Sa aking weight loss journey na ito ay ipapakita ko sa inyo ang aking pagsusumikap na pumayat. Susubukan ko ang iba't-ibang klase ng diet hanggang sa malaman ko ang tamang dyeta na aangkop sa aking pangangatawan. Ang vlog na ito ay may pagka-comedy pero seryoso ang mensahe ko sa inyo na bigyan natin ang ating mga sarili ng pagkakataon na mamuhay ng nasa tama ang ating pangangatawan at kalusugan. Kung magustuhan ninyo po, ay i-click po ang subscribe button at notification bell upang masubaybayan ninyo ang aking journey. Feel free to comment din po para sa inyong mga suhestiyon at kaalaman na nais ninyong ibahagi tungkol sa pagpapapayat. Ito ay kung tawagin ko ay ang aking #Dietserye. Mapapanood sa aking youtube channel.
Dahil sa paborito ninyo ang topic tungkol sa pampaliit ng
tiyan. Heto pa ang ilan sa ating flat belly diet tips lalo na’t sa mga katoto
naming chick at bebot na nais maging sexy. Heto ang ilan pa sa mga pagkain at
inumin na may taglay na health benefits para maging flat ang iyong tiyan.
Green tea can increase your metabolism. Ang inuming green
tea ay nagtataglay ng chemicals na kung tawagin ay polyphenols at catechins na
nagpapataas sa metabolism at nakatutulong upang matunaw ang taba.
Apple can help reduce your body fats. Ang mansanas ay isa sa
paboritong prutas na nagtataglay ng negatibong calories bukod pa sa masarap
nitong lasa at hindi nakadaragdag sa ating taba.
Eggs are a good source of protein. Ang itlog ay mahusay na
pagkunan ng protina at nagtataglay din ng essential amino acids na
kinakailangan ng katawan mula ng mabuo ang lahat mula sa muscle fibers hanggang
sa brain chemicals. Ang pagkonsumo ng itlog sa umaga ay nagpapalayo sa banta ng
mabilis na pagkagutom sa buong araw.
Almonds have minerals essential to the body. Nagbibigay ito
sa katawan ng mineral na tulad ng magnesium at nagpapabuti din sa ating blood
sugar levels. Ang mabuting sugar level ay susi upang makaiwas sa cravings na
nagbubunsod sa pagkain ng marami.
Salmon has Omega 3 fatty acids. Maging ang tuna at mackerel
na kapwa mahusay na pagkunan ng Omega 3 fatty acids ay nakapagpapabuti sa
metabolism at nakatutulong upang malusaw ang taba na maigi rin sa
glucose-insulin response ng katawan.
Enjoy the benefit of Spinach-cheese egg scramble to flatten
your belly. Mabibigyan ng nutrition makeover ang simpleng itlog mula sa paghalo
ng isang dakot ng baby spinach na lulutuin sa olive oil.
Garden veggie omelet is another good recipe for your belly
diet. Mainam na paghaluin ang isang buong itlog at dalawa hanggang tatlong puti
ng itlog at ng paboritong gulay tulad ng spinach, onion, kamatis, mushroom
maging ng talong at ng gustong seasoning. Pwede mo itong i-enjoy kasama ng
whole grain toast spread.
Kapag may flat-belly ka na. Tiyak na lalong mahuhumaling ang
iyong kasintahan o ang iyong asawa. Wala ng dahilan pa para tumingin pa siya sa
iba. Ang mga pagkain na ito bukod sa masarap na ay makatutulong sa iyong flatbelly diet. O ano pang hinihintay mo. Dyeta na.
source: Bulgar credits to: No Problem ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment