Sapagkat dalaga ka na!Iyan ‘yung linyang narinig natin sa
isang lumang commercial sa t.v patungkol sa pagkakaroon ng mens ng isang babae
at paggamit ng napkin para dito. Napag-uusapan na rin lang ang pagdalaw ng
mens-tanong ng ilan ay normal ba sa isang babae ang datnan ng mens 4 na beses
lamang sa isang taon kumpara sa isang beses kada 28 days? Normal din ba sa
isang babae na makaramdam ng kung anu-ano bago siya magkaroon ng mens? Ito ang
ilang kaalaman tungkol sa tinatawag na pre-menstrual syndrome or what we called
PMS.
Not all women have the same monthly period. Sadyang hindi
sila magkakatulad pagdating sa pag-reregla. Ang iba ay regular ang dalaw, kada
28 days at mayroon ding mga babaeng madalang kung dalawin ng regla (4-5 beses
lamang sa isang taon) at may mga babae rin na nagiging regular ang kanilang
menstruation kapag sila ay nagka-asawa na. Hindi naman sagabal ang apat
hanggang limang beses sa isang taon para ang babae ay magdalang-tao.
According to OB-GYN, women only need 4 times in a year to
get pregnant. Tama po, apat na beses lamang sa isang taon ang kailangan ng
isang babae para siya ay magbuntis pero syempre mas maganda pa rin kung regular
ang dalaw (every 28 days).
Tanong naman ng ilan bakit nakararamdam ang babae ng kung
anu ano bago siya datnan ng mens? Ang tinutukoy ng ilan ay mga kakaibang
sintomas bago pa man reglahin ang isang babae o mas tinatawag na Pre-menstrual
syndrome (PMS). Sinasabing ito ay nangyayari dahil sa sobrang dami ng estrogen
hormone at kakulangan naman sa progesterone hormone. Ang mga sintomas ng PMS ay
iba-iba sa bawat babae, mayroong tensyunada, iritable, walang ganang kumain,
pananakit ng katawan, pakiramdam na parang pagod, depressed, pamamaga ng suso
at puson atbp.
You can eliminate those symptoms, maaari mong mabawasan ang
iyong nararamdamang pagbabago bago dumating ang iyong regla sa pamamagitan ng
regular na ehersisyo, iwasan ang pagkaing maaalat at analgesic para sa kirot at
minsan ay nagbibigay ng oral contraceptive pills at diuretics o pampa-ihi ang
Gynecologist sa kanilang pasyente para maibsan ang ilang nararamdamang sintomas ng PMS. It would also
best to consult your OB-GYN para sa agarang atensyon, gabay at lunas para rito.
Source: Bulgar credits to: Sabi ni Doc Shane M. Ludovice M.D
Comments
Post a Comment