Ating isinulat sa nakalipas na araw ang tungkol sa Pre-Menstrual Syndrome. Napag-usapan natin ang tungkol dito, sintomas at lunas pati. Ngayon nama’y mababasa ninyo mga katotong kababaihan ang tungkol sa natural na paraan para lunasan ang pre-menstrual syndrome.
Muli ang pre-menstrual syndrome ay mga kakaibang sintomas na
nararamdam ng isang babae bago siya reglahin. Ang ilan dito ay may kinalaman sa
pisikal, emosyunal, pati sa pag-uugali o behavioral na aspeto ng isang babae.
Aspetong Pisikal: Ang babae ay maaaring makaranas ng paglaki sa kanyang dibdib, pamamaga, sakit ng ulo, pananakit ng balakang, fluid retention,
pagdagdag sa timbang, hirap sa pagdumi, diarrhea, panlalagkit ng buhok at ng
balat,pagkahapo atbp.
Aspetong Emosyunal: Ang babae ay maaaring maging irritable,pagkalito,pagkabalisa,hirap
sa pagtulog,depresyon at pag-iisip ng pagpapakamatay (para sa severe PMS)
At sa Pag-uugali: Nagiging maasiwain ang isang babae. Hirap
din ang isang babae na makapag-concentrate sa kanyang Gawain at kung minsan ay
nagiging bayolente.
Iyan ang ilan sa higit isang daang sintomas ng PMS. Ngunit bilang
babae, huwag kang mag-alala dahil bukod sa mga gamot na maaaring i-reseta sa’yo
ng iyong OB-GYN ay mayroon ding mga pagkaing iyong puwedeng kainin para sa
natural na lunas sa pre-menstrual syndrome(PMS)
Maaari kang kumain ng sariwang prutas na mansanas isang lingo
bago ka reglahin. Ito’y upang maiisawan ang pamamaga.
Maigi din sa PMS ang pagkain ng sariwang kintsay para
maiwasan ang pagtaas ng presyon (hypertension), at maigi rin ito sa bato.
Sa buong araw ng iyong pagreregla ay uminom ng barley water,
ito ay mayaman sa Vitamin B para maibsan ang mga sintomas ng PMS.
Ang pagkain din ng Oats ay mabisa naman upang maibsan ang
sintomas na may kinalaman sa aspetong emosyunal tulad ng pagka-iritable,
pagkabalisa atbp.
Kailangan mo namang iwasan ang mga ito: asin, kape/soda na
may caffeine, at pag-inom ng alcohol dahil ito ay nakapagpa-palala lamang mga
sintomas ng PMS.
Anumang mga sintomas ang iyong nararanas ay maiging subukan
mo ang mga natural na lunas na ito dahil dulot nito’y malaking tulong sa iyong
kalusugan bilang isang babae na dumaranas
ng sintomas ng PMS.
Web source: natural remedies for better health dot com
Comments
Post a Comment