Skip to main content

Paano Mo Mapapabili Ang Customer?



Bilang isang marketer na nagpapakilala ng bagong produkto sa merkado ay malaking hamon kung paano mo makukumbinse ang isang potensyal na customer na tangkilikin ang iyong produkto o serbisyo. Bilang isang customer naman ang kanyang nasa isip ay kung paano siya makakakuha ng mga benepisyo sa kanyang bibilhin. Kaya naman sa pagma-market ng iyong produkto ay dapat mong maging unang prioridad ay kung paano mo mapapa-satisfy ang iyong customer sa iyong produkto. Dapat kang magfocus sa iyong customer, gawin silang bida higit sa iyong produktong binebenta.


Sa ngayon para maisagawa ang ganitong konsepto, karaniwan sa mga marketers ay gumagamit na ng digital marketing tools para ibida ang kanilang customer hindi ang kanilang produkto. Ito ang paraan para mapabili mo ang customer gamit ang konseptong “Gawing Bida si Customer”:

Sa ngayon, pangalawa ang youtube sa pinaka-popular na search engine maliban sa Google. Kung hindi ka gagawa ng mga maiikli ngunit interesanteng video testimonials ay malaking oportunidad ang iyong pinakakawalan. Sa paggawa ng video testimonial, mahalaga ang titulo at kategorya kung saan mo ito ilalagay.Sa pag-iisip ng title ay isipin mo kung anong mga salita ang gagamitin ng isang searcher sa paghahanap ng video.

Idagdag pa rito, kung nais mong mamangha pang lalo ang iyong potential customer ay hayaan mo ring gumawa ng mga negative review tungkol sa iyong produkto, syempre iyong may kaunti pa ring pitik sa bandang dulo ng review na positibo. Ayon sa Bazaar Voice, isang online review at rating platform. Iyong kawalan ng negative reviews at opinion ay nagbibigay lang sa tao ng ideya na huwag tangkilikin, bilhin at pagkatiwalaan ang isang produkto.

Pangalawa, gawin mong bida ang iyong kliyente. Magpakita ng mga success stories, Huwag mong talakayin ang tungkol sa iyong produkto bagkus ay gumawa ka ng content tungkol sa iyong mamimili gamit ang iyong company website. Iyong customer na iyon na binigyan mo ng espasyo sa iyong website ay magdadala pa ng iba pa niyang kaibigan at kakilala para makita ang kanyang uploaded success story sa iyong website , sa paraang iyon ay ma-eenganyo din silang tignan ang iba mo pang offer na nakalantad sa iyong official website.
Ang content na ito ay hindi dapat maging isang sale material para sa iyong produkto. Ito ay dapat maging kaakit-akit at nakatutulong para sa iyong mamimili. Ipakita sa kanilang mahalaga ang kanilang tagumpay.

At ang huli, kung nais mong maging lalong bida ang iyong customer at mapabili sila ng iyong produkto ay makipagtulungan o makisalamuha ka sa mga blogger na gumagawa ng review tungkol sa mga produkto at serbisyong tulad ng iyo. Huwag mong ipaalam muna ang tungkol sa iyong ibinebenta bagkus ay bumisita sa kanilang blog, magbasa o di kaya naman ay mag-comment sa mga artikulong kanilang isinusulat. Sa tulong ng maganda mong ugnayan sa mga blogger ay makatutulong sila upang makilala ang iyong produkto at mapabili mo ang isang customer, tiyak na maraming opurtunidad ang mabubuksan para sa iyong mina-market.

Paano mo mapapabili ang iyong customer? Simple lang, laging sila ang dapat mong unahin kaysa isipin kung paano mo ipipilit sa kanila ang iyong binebenta. Hayaan mong sila ang kusang tumangkilik nito at magpalaganap ng magandang balita tungkol sa iyong produkto at serbisyo. Gawin mo silang bida.
Source: entrepreneur ph magazine


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...