Ang Gastritis at Ulcer ay magkaiba. Sa Gastritis, may gasgas lamang sa loob ng sikmura, samantalang sa Ulcer ay nagkakaroon na ng sugat na humuhukay pailalim ng sikmura o bituka.
Kapag nawala ang tamang balanse ng acid at ng protective mucus ng sikmura ay magsisimula ng magasgas ang loob ng sikmura o bituka na mauuwi sa gastritis at kalaunan ay ulcer.
Bago sabihing may ulcer ang isang tao ay dapat nating malaman kung saan ito nandoon o kung saang bahagi ng digestive tract matatagpuan ang ulcer.
Kung ito ay nasa dakong sikmura ( stomach), ang tawag dito ay gastric ulcer. Kapag doon naman sa dakong duodenum o naunang bahagi ng small intestine matatagpuan ang ulcer, ang tawag dito ay duodenal ulcer. Ang duodenal ulcer ay mas common kaysa gastric ulcer.
Ang sintomas na nararamdaman mo ay parang hyperacidity pa lamang at hindi pa ulcer. Kaya mainam na gawing regular ang pagkain ng paunti-unti at iwasang magpalipas ng gutom, mag-relax at makakatulong din ang tabletang antacid.
Para makasiguradong may ulcer ang isang pasyente ay ipinapayo na sumailalim ito sa tinatawag na Endoscopy kung saan nagpapasok ng tubo patungo sa sikmura at bituka para masilip kung may sugat, tumor o bukol. Ang nagsasagawa nito ay mga doktor na Gastroenterologist.
Comments
Post a Comment