Skip to main content

Posts

Mga Patok Na Negosyo Ngayong 2017

Kahapon ang huling araw ng filing ng business permit sa buong Pilipinas ( maliban na lang sa ibang city na nagbigay ng extension). Nakapag-file ka ba? Very good! Importante kasi ang business permit sa pagkakaroon ng negosyo. Mabuti ng legal, hindi ba? At para naman sa mga nag-iisip pa lang ng bagong negosyo. Ano ka ba? Hindi pa huli ang lahat, wala namang deadline ang pagpapatayo ng bagong negosyo. Pero feeling ko, kaya binabasa mo ito, parang hindi ka pa convince o desidido sa papasukin mong negosyo. Well, baka makatulong ito, ang video na ito na ginawa ko ay tungkol sa mga patok na negosyong ngayong 2017 ayon sa gonegosyo.net. Panoorin mo ha, at syempre hwag kalimutang i-like at mag-subscribe sa aking Mabin World Youtube Channel. Salamat.

NWorld: Negosyong Beauty Products Sa Mababang Puhunan

Marahil narinig mo na ang NLighten o Nhance mula sa kompanyang NWorld. Paano kasi, yung kapitbahay mo yan ang beauty products na gamit niya kaya blooming siya. Usong-uso kasi sa mga mahilig magpaganda ang mabisang produkto ng NWorld. Kaya't marami sa ating mga kababayan, mapababae man o lalake ay na-eenganyong gumamit ng mga produkto ng NWorld. Ito ang mga produkto ng NWorld:  1. Nlighten Kojic Papaya with Glutathione - mabisang pampakinis ng kutis sa mukha at katawan. Nakakaputi pati.   2. NLighten Premium Soap - mabisang anti-aging soap naman ito kung nais mong mapanatiling masigla ang iyong kutis.  3. NLighten Underarm Cream - may kilala ka bang maitim ang kili-kili, ito na ang hinihintay niyang lunas. Instant whitening ito kaya best seller.  4. NLighten Cloud cream - anti-aging cream din ang isang ito para mas hindi tinging tuyot ang balat mo.   5. NLighten Body Cream - instant na kaputian ba kamo ? Ito na ang solusyon, walang duda...

Slimina Weight Loss Capsule: Epektibong Pampapayat

Narito ka upang malaman mo kung ano nga bang weight loss capsule ang epektibong pampapayat. Alamin ang tungkol sa Slimina . Ang Slimina ay isang uri ng pampapayat para sa mga lalake at babae. Pinabibilis nito ang iyong metabolism bilang isang appetite suppressant na mabisa at walang negatibong epekto sa iyong katawan. Sa pag-inom nito, mabilis mong masusunog ang iyong taba, isang mabisang solusyon para pumayat ka. Hindi rin tulad ng ibang weight loss capsule ang Slimina dahil hindi ka nito papagurin para lang maka-burn ng calories bagkus kino-convert nito ang iyong fats para maging energy na dahilan naman upang maging aktibo ang iyong katawan sa paggawa ng iyong pang-araw-araw na aktibidad. Bukod pa riyan, ang Slimina ay hindi lang pampapayat, ito rin ay mabisa sa paglaban sa skin ageing at pagpuksa sa mga free radicals. Ito ang mga sangkap ng Slimina Weight Loss Capsule: Cassia Seed Extracts - upang itama ang iyong kolesterol. - pampabili ng metabolismo - pagpapa...

Green Tea: 13 Dahilan Bakit Mabuti Ito Sa Katawan

--> Paborito ng marami ang pag-inom ng tsaa, isa na rito ang green tea. Masarap kasing uminom ng tsaa kapag nag-re-relax sa hapon. At alam ninyo bang hindi lang basta masarap uminom ng tsaa, marami din itong naibibigay na mabuti sa ating katawan. Ito ang 13 Dahilan bakit kailangan mong uminom ng green tea: 1. Nakakapagpababa ng timbang o nakakapagpanatili ito ng normal na bigat ng iyong katawan. 2. Pinabababa nito ang iyong blood sugar levels. 3. Pinapabuti nito ang kalusugan ng iyong utak. 4. Pinabababa nito ang iyong cholesterol level. 5. Makakaiwas ka sa cancer. 6. Makakatulong para maging normal ang iyong blood pressure. 7. Makakaiwas ka sa pagkasira ng iyong ngipin. 8. Makakaiwas ka sa sakit sa puso. 9. Magiging maganda ang iyong kutis. 10. Nilalabanan nito ang aging. 11. Pinapatibay nito ang iyong buto. 12. Nilalabanan nito ang depresyon. 13. Isa rin itong anti-viral at anti-bacterial agent. Inom na ng green tea . -->

Pineapple: Prutas Na Masarap Na Healthy Pa

Napakasarap na prutas ng pinya (pineapple) , at hindi lang ito basta masarap, marami ring mga health benefits na makukuha dito. Alamin. 1. Mayaman ang pinya sa Vitamin C. 2. Isa itong anti-inflammatory 3. Pinapalakas nito ang ating immune system 4. Mataas din ito sa manganese. 5. Pinapatibay nito ang ating mga buto. 6. Tumutulong ito para maging malusog ang ating gums o gilagid. 7. Tumutulong kapag nakaranas ng constipation 8. Isang natural diuretic. 9. Mayaman sa Vitamin A at beta-carotine. 10. Mababa lamang ang calories nito. 11. Pinabababa nito ang tsansa na magkaroon ng macular degeneration 12. Makakaiwas sa sintomas ng arthritis 13. Makakaiwas sa ubo at sipon. 14. Tumutulong sa pagiging normal ng blood pressure. 15. Iwas nausea. 16. Mayroon itong bromelain na mayroong protein-digesting properties. 17. Isa din itong natural detoxifier. Ang daming tulong sa atin ng pinya, hindi ba. At may iba't-ibang paraan naman para ma-enjoy ang pagkain ng pinya. Pwede mo...

Protein: Mahalaga Sa Ating Buhok

Alam ninyo bang ang protina na nakukuha natin sa mga pagkain ay nakakatulong para maiwasan ang pagkapanot. Ang protein kasi ay importante para sa produksyon ng cell sa ating katawan. Ang tamang galaw ng ating katawan ay dumedepende sa protina. Sa ating buhok, halimbawa na, ang protein ay nakakatulong para maging malusog ito. Ang protein ay mayroong amino acid at polypeptide na bumubuo sa keratin . Kaya't kung mataas ang keratin, magiging malago ang ating buhok. Pero paalala na ang keratin treatment ay kinakailangang isagawa ng isang hair professional dahil may mga kemikal ito na maaari namang maging sanhi ng skin irritation at watery eyes. Sa ilang kaso, pwede rin itong makapagdulot ng ilang allergic reactions gaya ng pagkakaroon ng rashes. Ipinagbabawal din ang keratin treatment sa mga buntis dahil kinakailangan nito ng special sulphate na may masamang epekto sa mga sangol. Mayroon din itong formaldehyde, isang importanteng kemikal na ginagamit naman sa pagmamanufacture ...

Pakwan: Prutas Na Gamot Sa Chicken Pox

Mainam na kumaen ng pakwan kung ikaw ay may bulutong o chicken pox. Nakakapagpalakas kasi ng ating immune system ang katas nito at pinapalamig din nito ang temperatura ng isang taong may chicken pox. Ang pag-inom ng sariwang watermelon juice kapag ikaw ay infected ng varizella-zoster virus (VZV) ay mabuti sa iyong katawan para mabilis na mamatay ang impeksyon. Tandaan na ang bulutong ay walang pinipiling edad. Mas madali namang dapuan ng sakit na ito ang mga bata dahil mahina ang kanilang immunity sa sakit. Pati na rin ang mga buntis ay madaling mahawaan ng sakit na ito. Pero bakit nga ba ang pakwan ay maaring matawag na prutas na gamot sa chicken pox? Ito ang mga dahilan: 1. Ang pakwan ay nagpapalakas ng immune system ng mga taong may bulutong. Ang enerhiya na nakukuha sa nutrients nito ay maigi para lumakas kahit papaano ang taong may bulutong. 2. Ang katas ng pakwan ay mayroong anti-bacterial content na pumupuksa sa mabilis na pagkalat ng virus sa katawan ng may buluto...